Pinoy movies, may hatak ba sa box office sa gitna ng kalamidad?

by PEP Troika
Jan 16, 2020
Ang Mia at D'Ninang ang ilan sa Pinoy movies na pampabuena mano ngayong 2020.

GORGY RULA

Ang latest na nasagap ng PEP Troika tungkol sa pelikulang Mia, kalahating milyong piso lang daw ang kinita nito nang magbukas ito sa mga sinehan kahapon, January 15.

Hindi magandang pambuena mano sa taong 2020 ang naturang pelikula, kaya doble-doble ang pagdarasal ng local films na magsu-showing next week.

Isa na rito ang D’Ninang nina Ai-Ai delas Alas at Kisses Delavin na magsu-showing na sa January 22.

Positibo ang Kapuso Comedy Queen na maganda ang kalalabasan ng D’Ninang dahil masuwerte raw ang mga pelikula niyang nagawa sa Regal Entertainment.

“Every time na nasa Regal Films ako, sinusuwerte talaga ako and, praise God, kumikita talaga ang lahat na movies ko sa Regal,” pakli ni Ai-Ai nang nakatsikahan namin sa nakaraang mediacon ng D’Ninang.

Pero patuloy pa rin daw siya sa pagdarasal na tatangkilikin ang opening salvo niya sa 2020 dahil gusto ng Comedy Queen na makabawi ngayong taon.

Napakadami kong pinagdaanan noong 2019. Kaya ngayon pong 2020, ako po ay babangon at makikibaka sa buhay,” pahayag niy Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinuwestiyon ng ilan ang sinabi ni Ai-Ai na pinagdaanan niya sa buhay dahil mukhang okay siya noong nakaraang taon.

Pero ayon kay Ai-Ai, “Wala siguro sa paningin ninyo, pero sa akin, marami.

“Oo. Personal life ko masaya, pero madami akong pinagdaanan na hindi naman alam ng mga tao yun. Ako lang ang nakaalam.

“Pero pagdating sa buhay-may asawa ko, isa yun sa napakasuwerte ko sa buhay dahil napakabait ng asawa ko.”

JERRY OLEA

Dahil ba sa pag-aalburoto ng bulkang Taal kaya so-so sa takilya ang Mia nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman?

Nasa ikaapat na linggo na ng showing ang Miracle in Cell No. 7 na pinagbidahan ni Aga Muhlach, pero umaarangkada pa rin ito.

Tantiya ko ay mas marami pa itong mga sinehan kesa sa Mia!

Viva Films ang nagprodyus ng miraculous movie ni Aga, at siya ring distributor ng Mia na idinirek ni Veronica Velasco, at prinodyus ni Chris Cahilig.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Abala na ang Viva sa dalawa pang pelikulang iprinodyus nila—ang Night Shift na magso-showing next week, Enero 22, at ang Of Vodka, Beers and Regrets na ipalalabas sa Pebrero 5.

Horror flick ang Night Shift na pinagbibidahan ni Yam Concepcion, sa direksiyon ni Yam Laranas.

Malampasan kaya nito ang kinita ng Two Love You na pinagbidahan ni Yen Santos, at Viva rin ang nag-release?

Balik-tambalan sina Bela Padilla at JC Santos sa Of Vodka, Beers and Regrets.

Co-stars sila ni Aga sa Miracle in Cell No. 7.

Ii-streaming din kaya sa Netflix itong Of Vodka, Beers and Regrets gaya ng Bela-JC movies na 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentine’s?

NOEL FERRER

Sana naman, ma-break agad ang trend ng pagiging flopey at mag-pick up na ang entertainment scene.

Baka lang kasi may konsensiya factor pa ngayon after ng mga kalamidad sa Luzon (ashfall), Visayas (typhoon), at Mindanao (earthquake).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

God heal our Land na muna sana!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Mia at D'Ninang ang ilan sa Pinoy movies na pampabuena mano ngayong 2020.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results