PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorna Tolentino at mga anak na Ralph at Renz Fernandez, magkakanya-kanya na

Lumang bahay ni Lorna Tolentino sa White Plains, gagawing three-unit townhouse.
by PEP Troika
Published Jan 18, 2020
Lorna Tolentino's son, Renz Fernandez (left), confirms that their old house in White Plains will soon be reconstructed into a three-unit townhouse.
PHOTO/S: Lorna Tolentino Instagram

GORGY RULA

Malapit na palang maghiwa-hiwalay sina Lorna Tolentino at ang dalawang anak na sina Ralph at Renz Fernandez.

Nabanggit ni Renz sa pictorial ng Descendants of the Sun nitong nakaraang Biyernes, January 17, na ipapagiba na nila ang bahay sa White Plains at patatayuan ito ng tatlong bahay na tipong townhouse.

Patapos na raw ang ipinatayo nila sa likod, at gagawin na rin ang para sa kanilang mama.

Matagal na raw nila itong naplano, at medyo nakakalungkot ding mawawala na ang luma nilang bahay, kung saan napakarami nilang memories.

Pero excited na rin si Renz sa pagsu-solo niya.

“Kanya-kanya na kaming bahay,” pakli ni Renz.

“Magsu-solo na ako. Ako na ang magluluto ng pagkain ko, ako na ang maglilinis ng bahay. Hindi naman ganun kalaki yun, e.

“Wala akong kasama, may driver lang,” dagdag niyang kuwento sa PEP Troika.

Sinundan na rin namin ng tanong kung kailan naman siya magkakaroon ng partner na makakasama niya sa kanyang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Baka meron na, sini-secret ko lang.

“Magtanung-tanong na lang kayo diyan,” nakangiting sagot sa amin ni Renz.

Kapag wala siyang taping sa Descendants of the Sun, nasa bahay lang daw siya at nag-aayos ng mga bagay-bagay.

JERRY OLEA

Treinta-kuwatro anyos na si Renz. Marapat lang na matuto na siyang mamuhay na “hiwalay” sa ina at kapatid.

Hindi naman kalayuan ang bahay niya. Parang nasa triplex sila, di ba?

Pero siyempre, iba pa rin iyong may sarili ka nang pugad, ika nga.

Si Lorna, hindi na natin hino-hopia na maghanap ng bagong katuwang sa buhay. Maligaya na siya sa pagiging doting grandma, at andiyan pa rin ang acting career niya.

Meron din siyang bukid na maaaring pagkaabalahan kung wala siyang showbiz assignments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino's son, Renz Fernandez (left), confirms that their old house in White Plains will soon be reconstructed into a three-unit townhouse.
PHOTO/S: Lorna Tolentino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results