Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ai-Ai delas Alas, may sagot sa mga humuhusga dahil sa hindi pagtulong kay Jiro Manio

by PEP Troika
Jan 19, 2020
Ai-Ai delas Alas on Jiro Manio: “Alam po ng Nasa Itaas kung ano ang laman ng puso ko, at kung ano talaga ang ginawa ko kay Jiro para mapabuti siya.”
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Huli kong namataan si Jiro Manio sa huling gabi ng lamay ni Direk Maryo J. de los Reyes noong Pebrero 2, 2018 sa Loyola Memorial Chapels, Commonweath Avenue, Quezon City.

Si Maryo J. ang nagdirek ng pelikulang Magnifico (2003) na pinagbidahan ni Jiro.

Karamihan sa artista sa lamay ay nagsalita tungkol sa pakikipagtrabaho at pakikipagkaibigan nila kay Maryo J., pero si Jiro ay tahimik lang.

Kinausap ng isang babaeng katoto si Jiro, at nais sana naming interbyuhin ito, pero umalis na ito.

Hanggang mabalitaan namin nitong Enero 17, Biyernes ng gabi, ang 27-anyos na si Jiro ay may sinaksak na 25-anyos na lalaki sa Marikina City.

Inaresto si Jiro at may mug shot.

Sabi, self-defense iyon. Hinampas daw kasi ng helmet si Jiro.

Enero 18, Sabado ng hapon, may nagpatotoo sa Facebook na ipinagtanggol lamang ni Jiro ang sarili.

Ang sinaksak ng dating child actor ay stalker daw, at naireklamo na sa police station.

Continue reading below ↓

Enero 19, Linggo ng umaga, may IG story (11 minutes, 35 seconds) si Ai-Ai delas Alas.

Inilahad ni Ai-Ai ang pagpapa-rehab niya kay Jiro sa Quezon City at Bataan.

Hindi biro ang gastos ni Ai Ai, pero nanlumo siya nang may magsabi sa kanya noong 2018 na nagma-marijuana raw si Jiro.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sumuko si Ai Ai kay Jiro. Nawalan ng gana. Naputol ang kanilang komunikasyon.

“Ako, bilang nanay-nanayan niya, siguro naman, alam ng Nasa Itaas kung anong effort iyong nagawa ko, at naitulong ko sa kanya,” gumagaralgal ang boses na pahayag ng Comedy Concert Queen.

“Na sana, pinahalagahan niya. And sana, iyong pamilya niya din, kahit papaano, sinuportahan siya sa lahat ng bagay... siguro, hindi siya ngayon nandito sa ganyang sitwasyon.

“So, ako po ay... siguro, ang pinakamagagawa ko na lang ngayon ay magdasal, at hinihingi ko rin po na ipagdasal natin siya.

“Na malinawan ang isip niya. Na kung ano man po ang mangyari sa kanya ngayon, na sana ay matuto siya sa lahat-lahat ng pinagdaanan niya sa buhay niya...”

Continue reading below ↓

Hinanap pa noon ni Ai Ai sa Japan ang tatay ni Jiro, pero may tampuhan ang mag-ama, kaya hindi natuloy na sa Japan manirahan si Jiro.

Dagdag ni Ai Ai, “Sana po, i-pray niyo na lang din po siya, na malampasan po niya itong lahat ng nangyari sa kanya.

“And... and... doon po sa mga... siyempre, sa mga magdya-judge po sa akin... God bless po.

“Alam po ng Nasa Itaas kung ano ang laman ng puso ko, at kung ano talaga ang ginawa ko kay Jiro para mapabuti siya.”

GORGY RULA

Walang duda ang magandang hangarin ni Ai-Ai kay Jiro.

May mga ginawa pa si Jiro na hindi na niya binanggit doon sa IG post niya.

Sobra-sobra na ang naitulong niya, na kay Jiro na dapat ang kusa kung gusto na ba talaga niyang magbago.

Nakakalungkot lang na baka lalo lang mapariwara si Jiro sakaling tuluyan siyang makulong.

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

Sa pinagdadaanan ni Jiro, hindi panghuhusga ang kailangan niya kundi pang-unawa.

Sa mga nagsasabing, “Sayang, magaling pa naman siyang aktor...” tayo na nasa industriya ay handang bigyan siya ng acting jobs despite all the stories about him.

Iyan ang pagbibigay sa kanya ng panibagong pagkakataon.

Hihintayin natin kung sino ang gagawa niyon para kay Jiro ngayon!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on Jiro Manio: “Alam po ng Nasa Itaas kung ano ang laman ng puso ko, at kung ano talaga ang ginawa ko kay Jiro para mapabuti siya.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results