Mag-inang Andre Paras at Jackie Forster, walang isyu

by PEP Troika
Jan 19, 2020
Andre Paras clarifies that he doesn't have issues with mom Jackie Forster, contrary to what netizens speculate from what they read on social media: “Okay kami. Ang isyu, pinagtatawanan na lang namin. Kasi, of course, ganoon talaga ang mga nasa social media. Kung ano ang makita, believe agad. Meron naman kaming private lives na, of course, hindi kailangang sabihin sa mga tao."
PHOTO/S: @jackie_forster Instagram / Noel Orsal

GORGY RULA: Nais sana ni Andre Paras na gawing pribadong usapan na lang at huwag nang gawan ng isyu ang tungkol sa closeness ng mommy niyang si Jackie Forster at ng nakababata niyang kapatid na si Kobe.

Napapansin kasi sa mga ipinu-post ni Jackie sa Instagram na madalas ay kasama niya si Kobe at wala si Andre.

Lingid sa kaalaman ni Andre, ang kanyang "absence" sa social media posts ni Jackie ay nagiging mitsa na pala ng kung anu-anong isyu, kabilang na ang pagkakaroon nila diumano ng hidwaan ng kanyang ina.

Noong nakaraang Pasko ay kasama raw ni Andre ang pamilya niya, na ang tinutukoy nito ay ang Daddy niyang si Benjie Paras at ang stepmom niyang si Lyxene at mga kapatid.

Wala si Kobe sa kanilang Christmas celebration, pero nagkaroon daw sila ng time ni Kobe mag-bonding.

“We always see each other, pag wala siyang practice, nagkikita po kami,” pakli ni Andre nang nakapanayam ng PEP Troika sa pictorial ng Descendants of the Sun.

Continue reading below ↓

Okay sila ng mommy niyang si Jackie, sabi ni Andre.

Nagkakausap daw sila pero mas gusto niyang maging pribado na lang ang kanilang usapang mag-ina, tutal naka-public naman ang kay Kobe.

“Okay kami. Ang isyu, pinagtatawanan na lang namin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Kasi, of course, ganoon talaga ang mga nasa social media. Kung ano ang makita, believe agad.

“Meron naman kaming private lives na, of course, hindi kailangang sabihin sa mga tao.

"Kasi lahat naman tayo ay may private life na, as much as possible, kung puwedeng gawing private, kasi lahat ay nagiging public.

“Ang maganda roon, alam namin ang mga nangyayari. Basta sa amin, sa amin lang iyun,” seryosong pahayag ni Andre.

Samantala, kahit abala si Andre sa taping ng Descendants of the Sun at ilang commitments, nagagawa pa rin niyang mag-aral online.

Ga-graduate na pala siya sa AMA Online Education ng kursong Bachelor of English Studies, at kapag okay sa schedule ay nagba-basketball din siya sa D’League sa team ng AMA.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Malapit si Kobe kay Jackie. Kasama pa ni Jackie si Kobe sa 16th birthday party ni Lorin Gutierrez last year, at nagpa-picture pa ako sa kanila.

Kung mas malapit man si Andre sa amang si Benjie, hayaan na natin sila. At least, wala nang away-away in public.

NOEL FERRER: Tama ka, Tito Jerry, kung sinuman ang close kanino sa pamilya, hindi na sana isinasapubliko dahil hindi makakatulong iyun sa pagbubuo ng pamilya.

Maliban na lang kung sarado na ang mga miyembro ng pamilya para magkaayos.

Pero dito sa Pilipinas, bilang mahalaga sa atin ang pamilya, parang salat sa pagpapala ang may kaaway na magulang.

Sana, sa huli, maayos pa rin ang lahat!

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andre Paras clarifies that he doesn't have issues with mom Jackie Forster, contrary to what netizens speculate from what they read on social media: “Okay kami. Ang isyu, pinagtatawanan na lang namin. Kasi, of course, ganoon talaga ang mga nasa social media. Kung ano ang makita, believe agad. Meron naman kaming private lives na, of course, hindi kailangang sabihin sa mga tao."
PHOTO/S: @jackie_forster Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results