PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, muling tatapatan ang Hari ng Telebisyon na si Coco Martin

Barbie Forteza, grateful sa titulong Kapuso Primetime Princess na ibinigay sa kanya ng GMA Network.
by PEP Troika
Published Jan 22, 2020
Barbie Forteza on Kapuso Primetime Princess title: “Sobrang grateful ko, of course, sa aking network for taking care of me for 10 years now. So, maraming-maraming salamat for the love, trust, and continuous support.”
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

"Kapuso Primetime Princess" ang taguri kay Barbie Forteza sa mediacon ng bagong GMA-7 primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday nitong Enero 21, Martes ng gabi, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

“Grabe, ‘no?!” masayang bulalas ni Barbie.

“Bukod sa ‘Anak ni Waray,’ may isa pang title.

“Sobrang grateful ko, of course, sa aking network for taking care of me for 10 years now.

"So, maraming-maraming salamat for the love, trust, and continuous support.”

Mag-uumpisang ipalabas ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa Enero 27, Lunes, pagkatapos ng 24 Oras—katapat ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, na tinaguriang Hari ng Telebisyon.

Ikalawang pakikipagsalpukan na ito ni Barbie sa teleserye ni Coco.

Nakipagbakbakan noon ang telefantasya nila ni Mika de la Cruz na Kara Mia sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Wala naman pong problema sa akin yun,” nakangiti pa ring tugon ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think... any kind of competition is good.

“Kasi, it’s a challenge for me to do better. It’s an inspiration, a motivation to do better every time.

"So, ayun. It’s a good challenge."

Kabado pa rin ba siya na makipagtapatan sa teleserye ni Coco? O nabawasan na ang kaba sa second round?

“Naku, siguro ang kaba... mas kung papanoorin ba ng mga tao ang reimagined version ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

“Medyo hindi na ako after na manalo pa. More on sana magustuhan ng mga tao iyong pinaghandaan namin for them,” sambit pa ni Barbie.

Take note na apat na probinsiyana ang mga bidang karakter sa bagong Kapuso primetime series—mag-inang Waray (Snooky Serna at Barbie Forteza) at mag-inang Biday (Dina Bonnevie at Kate Valdez).

Ang binatang magpapakilig sa daughter ni Waray at daughter ni Biday, si Cocoy (Migo Adecer).

Ang nagdirek ng 1984 Regal movie na Anak ni Waray vs Anak ni Biday ay si Maryo J. de los Reyes, na second death anniversary sa Enero 27, Lunes, kung kailan magpa-pilot telecast ng TV version ng nasabing movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

I have always believed in Barbie as an actress.

In fact, marami na siyang parangal to prove that!

Sana naman ay maayos na vehicle ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday to showcase her talents and gain a wider mass base para the next time na mag-movie siya, tatangkilikin na ng mga tagapanood.

GORGY RULA

Sa totoo lang, puring-puri ni Dina Bonnevie sina Barbie at Katep, ati ang ilang young stars ng GMA-7 na kasama niya rito sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

“Alam mo, sobrang professional nila. Very professional si Barbie. Very professional si Kate.

“Usually, ang na-experience ko, nasa set na kayo, nagba-blocking na kayo, e, ‘Ano nga yun, Direk? Ano nga ‘yung lines?’ ‘Ah, dito talaga kayo nag-memorize ng line?’

“'Tapos minsan, nagba-blocking, ah, ‘Ha! Ha! Ha!’ Tapos, ‘Dito ba o saan?’

“Etong dalawa, hindi. Sobrang professional.

"Ako kasi, pagdating sa floor, nagba-blocking tayo, I memorize my lines.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Memorized nila ang mga linya nila. They’re so professional at alam nila ang pinanggalingan. They really read the script.

“Kasi, usually, you read your part.

"Ako, I read the script from cover to cover. Sila, ganun din.

“Alam nila ang pinanggalingan ng eksena para alam mo ang continuity ng ginagawa mo. Sila, alam nila.

“Saka, they’re not loud. Tahimik sila. Nakita nila na may natutulog sa tent, tahimik sila,” puri ni Dina kina Barbie at Kate.

Kaya sure si Dina na wala siyang pagsasabihang mga batang artista dito sa bagong serye dahil disiplinado ang mga batang Kapuso stars na katrabaho niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza on Kapuso Primetime Princess title: “Sobrang grateful ko, of course, sa aking network for taking care of me for 10 years now. So, maraming-maraming salamat for the love, trust, and continuous support.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results