PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadine Lustre at James Reid, magkabalikan kaya sa Year of The White Metal Rat?

Kapalaran ng JaDine, JoshLia, at MayWard ngayong 2020 hinulaan ng isang spirit questor.
by PEP Troika
Published Jan 24, 2020
Spirit questor na si Atty. Nick Nañgit, hinulaan ang kapalaran nina Nadine Lustre at James Reid (JaDine in photo), pati na rin ang tambalan nina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla, Maymay Entrata-Edward Barber, at Joshua Garcia-Julia Barretto.
PHOTO/S: @nadine Instagram

JERRY OLEA

Pera at pagtataksil ang iiral sa taon ng Puting Metal na Daga.

Ito ayon sa spirit questor na si Atty. Nick Nañgit nang maka-chikahan ko nitong Enero 24, Biyernes ng hapon, via Messenger.

Paliwanag ni Atty. Nick, "Darami ang pagkakataong kikita ng salapi ang lahat. Maganda ito, kung gagamitin sa kabutihan, subalit may ilan din na gagamitin ito sa kasamaan.

"Dahil maraming pagkakataong darating upang paunlarin ang buhay, maganda itong taon ng Daga sa mga bagong panimulain, maging sa negosyo, pag-aaral, o relasyon.

"Ayon sa alamat, ang una sa labindalawang taon ay iniatas sa Daga ng Jade Emperor, kaya't dala nito ang pagbabago sa kabuhayan.

"Marahil, ito rin ang paliwanag kung bakit dala ng panimula ang pagtataksil."

Ano ang nakikita niyang maaaring maganap sa Bulkang Taal?

"Sasabog pa rin ang Bulkang Taal. Masasabi nating parang traydor ito, dahil dala ng katahimikan ang labis na panganib.

"Sa gitna ng kadiliman, ang apoy at tubig ay biglang bubulwak. Mas mainam na lumayo na rito. Malaking peligro ang naghihintay hindi lamang sa lawa kundi maging sa karatig pook."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakabalikan ba ang JaDine?

"Malabong magkabalikan pa sina James Reid at Nadine Lustre.

"Mataas ang hangarin ng parehong Rooster, at hindi sila papayag na basta-basta lang.

"Malalim ang hinanakit nila sa isa't isa, bagamat nandiyan pa rin ang respeto.

"Pag nag-give up na ang isang Taurus [James], hindi na ito babalik pa. Pag nasaktan naman ang Scorpio [Nadine], ayaw na nitong maalala pa.

"Magsisimula silang muli, pero sa ibang direksiyon na. Kanya-kanya na muna.

"Matamlay ang hinaharap ni James, samantalang may pangambang sasalubong kay Nadine."

Kumusta ang pagtibok ng teleseryeng A Soldier's Heart ni Gerald Anderson?

"Sa simula lang ito aarangkada, subalit mahihinto agad, dahil magsasawa ang tao sa tema. Kasabay rin nito ang problema kung saan ito mapapanood.

"Matamlay sa ngayon ang dating ni Gerald sa manonood, pero aangat siyang muli sa susunod pang taon."

E, ang zombie movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na BlockZ?

"Matumal ang pagtanggap dito. Mas mainam na magkahiwalay na proyekto ang ibigay kina Joshua at Julia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Mas sisikat si Joshua kaysa kay Julia, dahil sa taglay nitong galing.

"Bukod sa kakulangan ng tiwala sa sarili ang dalaga, sasalungat din sa kanya ang sansinukob, maliban na lamang kung mas mapangahas ang mga gagawin niya."

Mamahalin ba ng televiewers ang teleseryeng Tanging Mahal nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?

"Matamlay ang dating ng Tanging Mahal, subalit maraming mag-aabang kay Kathryn. Sakto lang ang karir ni Daniel na dadalhing pataas ng taon."

Mas pupusuan ng televiewers ang teleseryeng Heart to Heart nina Maymay Entrata at Edward Barber?

"Maganda ang pagtanggap sa Heart to Heart! Bukod sa isang Taurus Ox si Maymay, isang Cancer Dragon naman si Edward.

"Secret friend ng Ox ang Daga at ka-trio ng Dragon ang Daga at Unggoy.

"Samantalahin na ni Maymay ang taon ng Daga at mag-ipon na, dahil baka maging kabaligtaran ang susunod na taon sa kanya," babala ni Atty. Nick.

GORGY RULA

Nasa tao pa rin iyan kung ano ang gusto niyang mangyari sa kapalaran niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mananaig pa rin ang taimtim na pagdarasal sa Panginoon.

Sa totoo lang, bago hulaan ni Atty. Nick ang mga Kapamilya stars, mas mabuting pakiramdaman na muna niya kung ano ang magiging kapalaran ng ABS-CBN sa renewal ng kanilang franchise.

Maganda kaya ang Year of the Rat sa Kapamilya network?

NOEL FERRER

Maganda ang gabay na iyan, pero katulad ng palaging sinasabi ng mga manghuhula o feng shui experts, tayo pa rin ang may hawak at magpapatakbo ng ating kapalaran.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Spirit questor na si Atty. Nick Nañgit, hinulaan ang kapalaran nina Nadine Lustre at James Reid (JaDine in photo), pati na rin ang tambalan nina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla, Maymay Entrata-Edward Barber, at Joshua Garcia-Julia Barretto.
PHOTO/S: @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results