PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Deadmahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto, nahuli sa video

Joshua Garcia at Julia Barretto, magkasama sa promo pero di nagpapansinan backstage.
by PEP Troika
Published Jan 27, 2020
Walang pansinan ang dating magkasintahang sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa backstage ng Chinese New Year Celebration sa Binondo.
PHOTO/S: Screen grab from Jan Milo Severo YouTube

JERRY OLEA

Naka-637K+ views na, as of this writing, ang YouTube video ni Jan Milo Severo entitled “Joshua Garcia at Julia Barretto dedma sa isa't isa sa backstage ng Chinese New Year celebration.”

2:19 (dalawang minuto at labinsiyam na segundo) ang haba ng video na in-upload noong Enero 24, 2020, Biyernes ng gabi.

Sa video, naunang naglalakad pa-backstage si Julia, at nakasunod si Joshua.

Umupo si Julia. Walang tumabi sa kanya.

Nakatayo lang si Joshua a few steps away. Patay-malisya sina Julia at Joshua sa isa’t isa.

Pino-promote nina Joshua at Julia ang zombie movie nilang Block Z, na magso-showing na sa Enero 29, Miyerkules.

NOEL FERRER

Acid test ito kung papanoorin ng tao ang materyal dahil maganda ito at gawa ni Direk Mikhail Red, o apektado ang fans and moviegoers ng hiwalayan ng JoshLia sa totoong buhay.

Ako, papanoorin ko ang pelikula dahil matagal nilang pinaghirapan ito at magagaling ang involved dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pag-iisnaban ng dalawang lead stars, let them. Prerogative nila iyan. Matatanda na sila.

Hayaan mong mahanap nila ang sarili nilang kaligayahan at kapayapaan.

Character-building iyan that they are experiencing things apart!

GORGY RULA

Lahat ng kilos ng dalawa ay binibigyan ng ibang kahulugan, pero lalong pinag-uusapan dahil may pinu-promote silang pelikula.

Pero eto ang ibang mga isyung sana ay sagutin nila bilang aligaga naman sila sa promo ng Block Z:

Kumusta na ang bahay na ipinatayo ni Julia?

Totoo bang may mga gusto siyang ilagay sa bahay, pero hindi na nya nagawa dahil medyo kapos na sa budget?

Bakit tumigil na siya sa kapu-post ng tungkol sa bahay niya?

Si Joshua naman, totoo bang may iba na siyang idini-date ngayon?

Kiyeme lang ba yung pagkaka-link sa kanila ni Janella Salvador?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang pansinan ang dating magkasintahang sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa backstage ng Chinese New Year Celebration sa Binondo.
PHOTO/S: Screen grab from Jan Milo Severo YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results