GORGY RULA
Bukod sa afternoon prime ng GMA-7, namamayagpag din ang kanilang weekend primetime, ayon sa NUTAM People’s Ratings ng Nielsen Philippines.
Noong nakaraang Sabado, Enero 25, wagi ang karamihang programa nila sa gabi.
Sinimulan ito ng 24 Oras na 8.4% ang rating, kontra sa 6% ng Kuha Mo at 7.8% ng TV Patrol.
Naka-10.9% ang Pepito Manaloto vs 8.5% ng Home Sweetie Home Extra Sweet.
Mataas din ang Daddy’s Gurl na may 11.4%, at 9.4% naman ang Your Moment.
Winner din ang kuwento ng mga bading na mangingisda sa Magpakailanman na may 11.5%, kontra sa 8.4% ng Maalaala Mo Kaya.
Sa nakuha naman naming rating ng NUTAM noong Linggo, Enero 26, ay panalo pa rin ang karamihang programa ng Kapuso network.
Maganda ang simula ng bagong format ng Dear Uge na may pagka-light drama na ito, dahil naka-4.1% ito laban sa Banana Sundae na 3.9%.
Pero bago iyan, lamang din ang All-Out Sundays na naka-4.7%, at 4.4% naman ang ASAP Natin ‘To.
Dumikit ang GMA Blockbuster, na may 5%, sa FPJ on ABS-CBN, na may 5.2%.
Pagdating naman sa gabi, ang 24 Oras ay 6.2%, ang TV Patrol ay 5.4%, at 9.4% naman ang Rated K.
Lamang din ang Amazing Earth (9.4%) sa Your Moment (9.2%).
Winner din ang tambalan nina Dennis Trillo at Barbie Forteza sa Daig Kayo ng Lola Ko na nakakuha ng 12.1%, laban sa The Haunted na nagtala ng 6%.
As expected, panalo uli ang Kapuso Mo Jessica Soho na 19.1% ang rating laban sa pelikula ng KathNiel sa Kapamilya Blockbuster na 5% lamang.
Pero nagwagi ang di nagustuhan ni Sir Noel na episode ng Gandang Gabi Vice, na naka-5%, sa pa-beauty contest ng The Boobay and Tekla Show, na naka-4.5%.
JERRY OLEA
Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Enero 25, Sabado, unang araw ng Year of the Metal Rat, naka-21.8% ang Your Moment, kontra sa 16.8% ng Daddy’s Gurl.
Naka-20.7% ang Home Sweetie Home Extra Sweet, kontra sa 18.1% ng Pepito Manaloto Ang Tunay Na Kuwento.
Naka-17.8% ang Maalaala Mo Kaya, kontra sa 16.7% ng Magpakailanman.
Naka-17.4% ang TV Patrol Weekend, kontra sa 13.6% ng 24 Oras Weekend.
Noong Enero 26, Linggo, naka-9.3% lang ang pelikulang Crazy Beautiful You ng Kapamilya Super Blockbusters, kontra sa 29.6% ng namamayagpag na Kapuso Mo, Jessica Soho.
Naka-19.8% ang Your Moment, at naka-13.5% ang The Haunted, kontra sa 20.9% ng umaaribang Daig Kayo ng Lola Ko.
Iyong ibang mga salpukan ng mga programa, wagi na ang Kapamilya Network.
Naka-20% ang Rated K, kontra sa 17.5% ng Amazing Earth.
Naka-11.9% ang TV Patrol Weekend, kontra sa 10.7% ng 24 Oras Weekend.
Naka-10.4% ang ASAP Natin ‘To, kontra sa 8.3% ng All-Out Sundays.
Naka-9.9% ang Banana Sundae, kontra sa 8.1% ng Dear Uge.
Naka-7.1% ang Gandang Gabi Vice, kontra sa 6.7% ng The Boobay and Tekla Show.
NOEL FERRER
Katulad ng lagi kong sinasabi, hindi lang ratings o numero ang pinakamahalaga sa atin.
Magandang tanungin kung alin-alin ba sa mga programang ito ang ating tunay na ipagmamalaki at mananatiling kapaki-pakinabang through time?
Ngayon pa ba na napakarami nang content na nakaumang sa atin?! May choice na tayo!!!