Cristine Reyes, tapos na ang pasaway days

by PEP Troika
Jan 30, 2020
Positibo ang malaking pagbabago kay Cristine Reyes, na dating nagwo-walkout o umiiwas sa mga interview. Sa ngayon, ang anak na si Amarah at ang kanyang career lang ang importante sa aktres.
PHOTO/S: @cristinereyes on Instagram

GORGY RULA

Aminado si Cristine Reyes na nag-mellow na siya ngayon.

Tapos na raw siya sa bahagi ng career niya na minsang nagwo-walkout sa mga interview, at hindi sinisipot ang presscon dahil hindi niya gustong magpa-interview.

Kaya sa mediacon ng Viva movie niyang Untrue nitong Huwebes, Enero 30, sa La Reve events place sa Quezon City, maayos at maingat niyang sinagot ang ilang nakakaintrigang tanong ng press.

Sinasabi niya kasing nag-e-enjoy siya ngayong naka-focus lang sa kanyang anak na si Amarah ang kanyang atensiyon.

Kaya tinanong siya ng PEP Troika kung masasabing solo parent siya ngayon sa anak niya?

“I guess, hindi na natin kailangang i-announce iyon. Nakikita naman na, e,” pakli ni Cristine.

Pagdating sa panibagong love life, hindi na raw niya ito iniisip sa ngayon, dahil mas mahalaga sa kanya ang kanyang anak, at ang trabaho.

Tinanong si Cristine ng ilang reporters kung open ba siya sa panibagong partner sa kanyang buhay.

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Mas magandang hintayin mo na lang na dumating ang tao na iyon.”

Kaya sa darating na Valentine’s Day, deadma na lang si Cristine.

“Hindi ko iniisip iyon. Mas importante yung merong trabaho,” nakangiti niyang sagot.

Magiging abala na sila ni Xian Lim sa promo ng kanilang pelikula, dahil February 19 na ang showing ng nasabing Viva movie.

JERRY OLEA

Thirty years old na si Cristine, na kalahok sa StarStruck noong Oktubre 2003. Marami na siyang natutunan at pinagdaanan sa showbiz at sa personal na buhay.

May napatunayan na siya kahit paano. Kaya ano man ang kahinatnan ng movie niya with Xian, malamang na may mga susunod pa rin siyang proyekto.

NOEL FERRER

Naku, naku! Another movie coming up! Ito bang Untrue ang magbi-break ng dry spell sa mahinang box office showing ng Pinoy films after the 2019 Metro Manila Film Festival?

Sana naman!

Sana rin, tumabo sa takilya ang mga Valentine movies!

Continue reading below ↓

Ang dami nating sana!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Positibo ang malaking pagbabago kay Cristine Reyes, na dating nagwo-walkout o umiiwas sa mga interview. Sa ngayon, ang anak na si Amarah at ang kanyang career lang ang importante sa aktres.
PHOTO/S: @cristinereyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results