Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Tambalan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, ngayong 2020 lang ilulunsad

by PEP Troika
Feb 1, 2020
Loveteam partners Loisa Andalio and Ronnie Alonte get their first major movie break via Star Cinema's pre-Valentine's Day romcom offering, James & Pat & Dave, slated to open in cinemas on February 12.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Tatlong taon nang magkarelasyon sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Ilulunsad ng Star Cinema ang love team nila sa pelikulang James & Pat & Dave na ipaallabas sa Pebrero 12. Kasama rin nila bilang lead stars si Donny Pangilinan.

Gusto ba ng LoiNie na sa mga susunod nilang proyekto ay sila pa rin ang magkatambal? Or okay lang ba na pumartner naman sila sa iba?

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Ronnie, habang napabungisngus ang katabing si Loisa sa mediacon nila nitong nakaraang Biyernes ng gabi, January 31, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Tugon ni Ronnie, “Siguro po, dahil kaka-start pa lang ho namin, kaka-launch lang namin... kaka-launch pa lang namin bilang talagang love team talaga, as in Loisa-Ronnie, ngayon lang 2020 ho nangyari...

“Para sa akin, kung sakali man po na kumita iyong pelikula, sana naman po, Star Cinema, ibigay po ninyo uli sa akin si Loisa.”

Continue reading below ↓

Napahiyaw at nagpalakpakan ang fans. Kilig na kilig!

Pagpapatuloy ni Ronnie habang masuyong nakatingin sa kanya si Loisa, “Gusto po namin na mas may mapatunayan pa.

"Gusto pa po namin na magtrabaho sa isa’t isa sa ngayon.

“So, dadating din iyong araw, pag medyo tumanda-tanda na kami, doon po siguro, puwede na.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Pero Star Cinema, please po,” pagngiti ni Ronnie.

Nagsigawan at nagpalakpakan muli ang masusugid nilang mga tagahanga.

Pahayag naman ni Loisa, “Sa akin po, ganoon din po.”

“Salamat!” singit ni Ronnie, na nakatungo at tiim-bagang.

Hagalpakan ang fans.

Dagdag ni Ronnie, “Kinabahan ako, baka iba yung sabihin niya. Salamat!”

Humagikgik si Loisa at inakbayan si Ronnie, “Hindi. Ganoon din po sa akin.

"Kasi, parang iyong pakiramdam po namin ni Ronnie, sa totoo lang, parang... ngayon pa lang po talaga kami nagsisimula.

“Ngayon pa lang po talaga kami nabigyan ng ganitong opportunity at break.

"Kaya sobrang... ayaw ko pa po munang pakawalan si Ronnie sa trabaho.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ano ang nangyari sa Love or Money, ang Valentine movie nina Coco Martin at Angelica Panganiban na dapat iyan ang playdate?

Dahil busy ang dalawang bida, hindi siguro maihahabol sa original playdate, kaya ito na munang Ronnie & Loisa & Donny ang isasalang?

JERRY OLEA

Swak sa Valentine playdate ang romcom na James & Pat & Dave.

Sa trailer pa lang, swak na swak na ang kissing scene nina Ronnie and Loisa sa dalampasigan.

Kumusta iyong eksena na aksidenteng naglapat ang kanilang mga labi?

Napatawa si Ronnie, “Hindi kami sanay! Hahaha!”

Napabungisngis si Loisa.

Sabi pa ni Ronnie, “Hindi. Ano po, nakakatawa. Enjoy lang. Parang... ahhh...”

Sambit ni Loisa, “Noong una, ano... kahit kami na, sa totoo lang po, parang nakakahiya pa rin! Alam mo, may mga taong nanonood.”

“'Tapos, nakakatawa. Kasi dapat may feelings iyung halik,” sambit ni Ronnie.

“Kaya lang kasi...” pagkunot-noo ni Loisa, habang nagtitinginan sila ng kapareha.

Continue reading below ↓

Hirit ng binata, “Ang hirap! Gusto mo, i-try natin muli?!”

Kilig-kiligan na namang napahiyaw ang fans.

Dugtong ni Ronnie, “Mahirap po, mahirap. Pero in-enjoy lang namin.

"Kasi, iyon ang kailangan, iyon ang hinihingi ni Direk.

"So, ibinigay po namin kung ano iyung hinihingi ni Direk.”

Pag-ayon ni Loisa, “Opo. Kasi, iyon pong kiss namin doon, shock.

"Pag nagki-kiss naman kami, hindi kami nasa-shock. Waahhh! Hahaha!"

Kailangan pa bang i-rehearse iyung “accidental” kiss?

Mabilis na sumagot si Loisa na nagdampi agad ang kanilang mga labi.

“Ni-rehearse po yun!” bulalas ni Ronnie.

Nagbiro si Donny Pangilinan, “Fifty takes po yun! Sila po ang nag-request, 50 takes yunn!”

Tawa nang tawa sina Ronnie at Loisa.

Hirit pa ni Ronnie, “Sa totoo, ang hirap po talaga! Ang dami!

"Iyon po yung pinakamatagal na eksena namin sa buong movie.

"Kasi, kailangan pong natural yung pagganun,” pagmuwestra ni Ronnie sa supposedly madadapa sana si Loisa.

“Iyong pagdikit ng labi... hindi iyong pagkadapa... (tsup)! So, kailangan, natural po talaga. Kasi, pagdapa niya...”

Continue reading below ↓

Bumaling si Ronnie kay Direk Theodore Boborol, “Direk, tama ba, naghukay pa tayo ng... para lang pag nadapa siya...”

Paglilinaw ni Direk Theodore, “Hirap na hirap ako dun! Pagkadapa, kiss agad, e! Ikaw, e!”

Lalong nagtawanan ang fans.

GORGY RULA

Magaling mag-promote ang Star Cinema. Sana tangkilikin ito ng publiko.

Kasi parang ang dami nang naganap sa relasyon nina Ronnie at Loisa, pero ngayon lang sila nabigyan ng pelikula.

Parang wala na ngang dating sa akin ang tambalan nila.

Pero knowing Star, kaya nilang painitin sila muli!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loveteam partners Loisa Andalio and Ronnie Alonte get their first major movie break via Star Cinema's pre-Valentine's Day romcom offering, James & Pat & Dave, slated to open in cinemas on February 12.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results