JERRY OLEA
Pinagpipiyestahan na ang video scandal ng isang young actor na produkto ng isang reality show.
In-upload iyon nitong Pebrero 3, Lunes, sa isang mahalay na video sharing website, at pinagpapasa-pasahan sa PM (private message) at DM (direct message).
Masisilayan nang buong luwalhati sa video ang ari-arian ng young actor habang nilalantakan iyon ng isang magandang babae.
Dinadalirot na ang video sa YouTube nitong Pebrero 4, Martes.
Tinext ng kaibigan naming showbiz insider ang young actor nitong Pebrero 5, Miyerkules ng hapon, kaugnay sa pagkalat ng video, at kung dudulog ba ito sa kinauukulan.
Deadma ang young actor.
NOEL FERRER
Deadma rin ako. Simeon at Cynthia ang mga bida, pan-Cinex Films ang peg.
Paano ba nito mareresolba ang mas malaking problema ng bansa ngayon?
Kasinlaki ba talaga, Tito Gorgs?
GORGY RULA
Narinig ko ngang pinag-uusapan iyan ng kagrupo ng young actor. Parang hindi naman sila apektado.
Ang pagkakaalam ko, magkasintahan ang dalawang bida sa video, kaya hindi na ikinagulat ng kagrupo niya.
Sa totoo lang, hindi ko kilala itong si young actor.
Minsan ko lang siya nakita sa premiere night ng isang Regal movie.
Feeling ko, hindi niya ito ikasisikat. Mananatili siyang best friend ng isang sikat na young actor.
