JERRY OLEA
Topgrosser sa unang Pista ng Pilipino (Agosto 16-22, 2017) ang unang tambalan nina Bela Padilla at JC Santos, ang 100 Tula Para Kay Stella, na naka-P130M sa takilya.
Labindalawang full-length feature films ang kalahok dito, at iyon ang runaway winner.
Pinakamalakas pa rin sa 2nd PPP (Agosto Agosto 15-21, 2018) ang tandem nina Bela at JC sa The Day After Valentine’s, na naka-P90M.
Walong full-length feature films ang tampok dito, at iyon ang nanguna sa box office.
Streaming sa Netflix ang dalawang pelikulang ito.
Galing mismo sa Viva iyong figures na P120M at P90M—sa liham nila sa MMFF Execomm dated July 15, 2019, kung saan inihayag ng Viva kung bakit ipinalit nila si Bela kay Nadine Lustre sa pelikulang Miracle in Cell No. 7.
Sa 45th Metro Manila Film Festival (Disyembre 25, 2019-Enero 7, 2020), parehong suporta sina Bela at JC sa topgrosser na Miracle in Cell No. 7 na pinagbidahan ni Aga Muhlach.
Ang mga pelikulang ito ay pawang iprinodyus ng Viva Films, na siya ring nagprodyus ng bagong Bela-JC movie na On Vodka, Beers and Regrets na nagbukas nitong Pebrero 5, 2020, Miyerkules, sa 198 sinehan nationwide—62 sa Metro Manila, 84 sa Luzon, at 52 sa VisMin.
Ito lang ang Pinoy film na nag-open this week.
Nag-open din nitong Wednesday sa mga sinehan ng bansa ang foreign films na 1917, Ashfall, The Paranormal (Color Out of Space), at Ghost in the Graveyard.
Ngayong Thursday ang opening ng Birds of Prey (and the Fantabulous Emancipation of One Harley Quinn).
Tweet ng Viva Films nitong Miyerkules ng bandang 10 p.m.: “Sa lahat ng hopeless at romantic na naki-iyak, kinilig, at napasaya nina Francis at Jane, maraming salamat po for making #OnVodkaBeersAndRegrets the #1 movie this week!!
“On Vodka, Beers, and Regrets is now showing in cinemas nationwide!”
NOEL FERRER
An almost P4M opening gross is OK at this time. Pero, oo naman, we can do better.
Ano ang laban natin kung hindi halos lumalabas ng bahay ang mga tao dahil sa health scare?
Tingnan natin kung ano ang magpapalabas sa mga tao para suportahan ang isang palabas.
Hindi ba’t lalabas naman sila kung gusto talaga nila, katulad ng mabilis na pagkaubos ng tickets sa Alanis Morissette concert na nakatakda sa Abril 6 sa Mall of Asia Arena?
Ang halaga ng mga tiket sa Alanis Morissette 2020 World Tour ay P12700, P11700, P9700, P8700, P7700, P4700 at P2700 plus ticketing charges.
GORGY RULA
Wala pa tayong nakukuhang final figures kung magkano talaga ang kinita ng On Vodka, Beers and Regrets sa first day of showing nito.
Pero ayon sa source ng PEP Troika, as of 3 p.m. kahapon, more or less, ay P3M na ang kinita nito.
Baka tumaas pa iyan sa gabi, dahil pang-night crowd yata ang pelikulang ito nina Bela at JC.
Kung almost P4M na ito sa gabi, okay na yun, Sir Noel.
Pero sana, pumik-up pa sa weekend, kung may word of mouth.
Kasi, ang Block Z na nag-showing last week ay hindi maganda ang feedback sa pelikula. Kaya hindi ito umariba nang husto.
Ayon sa ating source, naka-P28M lang ang one week ng zombie movie ng JoshLia, kaya talo pa rin ito kung tutuusin.
Kaya lang, sa panahon ngayon ng kinatatakutang posibleng pagkalat ng nCoV 2019, mahirap talagang makapag-blockbuster hit ng isang pelikula, di ba?