DOLE at FDCP, may joint memo para sa TV and movie workers; P100K multa sa violators

Guidelines para sa salary rate, overtime pay, at working conditions ng TV at movie workers ipapatupad ng DOLE at FDCP.
by PEP Troika
Feb 7, 2020
Guidelines para sa salary rate, overtime pay, at working conditions ng TV at movie workers, ipapatupad nina DOLE Secretary Silvestre Bello III at FDCP Chairman Liza Diño-Seguerra.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Liza Dino-Seguerra Facebook

GORGY RULA

Pinirmahan na ang Memorandum Circular ng Department of Labor and Employment (DOLE), na naglalayong maitaas ang antas ng working conditions ng mga tiga-entertainment industry.

Inisyu ang memo ng DOLE sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayong Pebrero 7, Biyernes.

Ginanap ang pirmahan sa tanggapan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, kasama si FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra.

Saksi rito ang ilang mga taga-movie industry na sina Leo Martinez, Ice Seguerra, at Rez Cortez.

Nakausap ko si Liza sa radio program namin sa DZRH kagabi, February 6.

Magbibigay raw sila ng guidelines sa producers, TV productions, at film workers para malaman kung ano ang dapat sundin at kung ano karapatan ng mga audio-visual workers.

"Isang malaking step ito, kasi siyempre pagdating sa batas, sa Congress, iyan talaga ang medyo may katagalan, di ba?

"Kailangan nating hintayin yung maraming pag-uusap diyan.

"So, minarapat talaga namin na magkaroon ng transitionary policy na galing sa DOLE mismo," pahayag ni Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, natutuwa siya dahil tatlong taon nilang binuo ito kasama ang Actors Guild, Directors Guild, at film workers mula sa iba’t ibang consultative meetings.

Pinag-usapan na rin sa Kongreso ang Eddie Garcia Law, na may kinalaman din sa working conditions ng mga tiga-entertainment industry.

Pero medyo matagal pa raw iyon dahil magkakaroon pa ng committee hearings bago ito maisabatas.

Itong memorandum circular mula sa DOLE, na naglalaman ng guidelines ng working conditions ng audio-visual workers, ay kailangan na raw sundin.

Ilan sa mga nakapaloob sa guidelines ay ang standard working hours ng workers na hanggang walong oras.

Kapag lumagpas nang hanggang 16 hours, may overtime pay na ito na 25% of hourly salary rate ng empleyado kada oras na madadagdag sa trabaho.

Meron ding occupational safety and health guidelines na dapat sundin, na makakabuti lalo na sa mga rank and file employees.

Ang mga karaniwang isyu tulad ng salary rate; "no contract, no work policy"; at social benefits ay in-address din sa memorandum.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dapat daw i-enforce ito sa lahat na produksyon, at ang mga hindi susunod ay papatawan ng penalty.

"May karampatang penalties—PHP100,000 per worker per hour.

"So, talagang medyo mabigat din iyung enforcement nila.

“Hindi man siya criminalize, pero malaki na rin iyung penalty sa bawat paglabag," pahayag pa ni Liza.

JERRY OLEA

Matapos ang ceremonial signing, ilalathala sa mga pahayagan ang joint memorandum circular ng DOLE at FDCP.

Maituturing daw na effective ito 15 araw matapos maisapubliko.

"This is a big step for us towards sustainability and better working environment for our film workers," diin ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra.

"This year is about policies and better systems and standards for the industry.

"Our first three years have been about engagement with industry and initiating programs.

"We are just really happy to get support from our stakeholders. Kahit hindi laging madali."

Nakakatuwang dumalo sa ceremonial signing si Leo Martinez, dating director-general ng Film Academy of the Philippines (FAP).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I wonder kung susuportahan din ni Leo ang Film Ambassadors' Night 2020 sa Pebrero 9, Linggo ng gabi sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Rock Filipiniana ang attire sa nasabing pagtitipon, na proyekto ng FDCP.

Kabilang sa 63 honorees doon sina Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Maja Salvador, Gloria Romero, Aiko Melendez, Cesar Montano, at Ogie Alcasid.

Kasama rin sina Ina Raymundo, Ai Ai de las Alas, Maxine Eigenmann, Dante Rivero, Barbara Miguel, Soliman Cruz, Angeli Bayani, Direk Joel Lamangan, at Direk Jun Robles Lana.

Pararangalan din ang lawyer-director na si Josabeth "Joji" Alonso, Direk Louie Ignacio, Direk Raymund Ribay, Tirso Cruz III, Shido Roxas, Albie Casiño, at Ross Pesigan.

May post-humous recognition din para kina Eddie Garcia, Tony Mabesa, at Kristofer King.

NOEL FERRER

Magandang makitang sumusunod ang TV networks, film companies, production outfits.

Sana lang din, magiging mas vocal ang artists sa kanilang karapatan.

Kasi, kung pinahihintulutan din nila ang kanilang sarili na mag-extend beyond the working hours—para good shot sila sa mga amo—mababale-wala itong mga ipinaglalaban ng kanilang leaders.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aabangan natin ang malawakang pagpapatupad ng pagbabagong ito sa mga manggagawa sa ating industriya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Guidelines para sa salary rate, overtime pay, at working conditions ng TV at movie workers, ipapatupad nina DOLE Secretary Silvestre Bello III at FDCP Chairman Liza Diño-Seguerra.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Liza Dino-Seguerra Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results