Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Carl Malone Montecido, handa nang bumirit sa All-Out Sundays

by PEP Troika
Feb 15, 2020
Viral singing sensation Carl Malone Montecido (left) reunites with his The Clash season 2 batchmates in tomorrow's (February 16) edition of GMA-7's All-Out Sundays. Meanwhile, Moira joins the star-studded post-Valentine's Day revelry on ABS-CBN's ASAP Natin 'To.

GORGY RULA: Naalala ko na bukod sa Tawag ng Tanghalan ay sumali rin pala ang taga-Negros na si Carl Malone Montecido sa second season ng The Clash.

Dahil nag-trending ang video ni Carl na kumakanta sa isang videoke demo section ng isang mall, napansin na siya ni Sam Smith at iniimbitahan na siyang mag-guest sa programa ni Ellen DeGeneres sa Amerika.

Pero bago siya umapir sa Ellen, mauuna muna siya sa All-Out Sundays bukas, Pebrero 16.

Makakasama niya sa isang production number ang mga nakasabayan niya sa season 2 ng The Clash na sina Jeremiah Tiangco at Nef Medina, at ang taga-season 1 na sina Jong Madaliday at Garret Bolden, pati ang hosts ng The Clash na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Rita Daniela, Ken Chan at ang judge nilang si Christian Bautista.

Kahit hindi pinalad itong tinaguriang Blind Balladeer ng Bacolod sa mga singing competitions na sinalihan niya, mas sikat siya ngayon sa mga nakatalo sa kanya.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Siyempre, nag-uumapaw pa rin ang mga awit ng pag-ibig sa ASAP Natin ‘To bukas.

Manghaharana sina Xian Lim, Ogie Alcasid, Ian Veneracion at Aljur Abrenica. How sweet!

Magpapasiklab nang bonggang-bongga ang Philippines’ Most Streamed Female Artist na si Moira.

May moment ang singing champion na Juan Gapang, maging ang dancing champion na Kenyo Street Fam.

Mapuso ang kantahan ng Kapamilya moms na sina Regine Velasquez, Toni Gonzaga, Vina Morales at Jolina Magdangal.

More and more ang mga pasiklab at payanig para sa mga nagmahal, nasaktan at patuloy na nananalig sa pag-ibig!

NOEL FERRER: After all the Valentine concerts, tuluy-tuloy pa rin ang pang-aliw sa TV na libre.

At least, ang maganda niyan, may option ang mga tao depende sa taste nila.

Among the Valentine shows, puro superlatives at consistent ang magagandang reviews sa Regine-Sarah Unified na two-night gig sa Araneta Coliseum.

Sana maganda rin ang sales at review sa iba.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viral singing sensation Carl Malone Montecido (left) reunites with his The Clash season 2 batchmates in tomorrow's (February 16) edition of GMA-7's All-Out Sundays. Meanwhile, Moira joins the star-studded post-Valentine's Day revelry on ABS-CBN's ASAP Natin 'To.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results