NOEL FERRER
Congratulations kay Asia's Songbird Regine Velasquez at Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kanilang two-night sold-out major Valentine concert na Unified sa Araneta Coliseum.
Sobrang saya ng mga kaibigan kong nakapanood. As in, sulit na sulit daw dahil sa galing ng dalawa sa kanilang pagkanta at nakakaaliw na banter.
Kilig na kilig ang fans nina Sarah at Matteo Guidicelli dahil hayag na ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
Samantalang si Regine daw ang proud mentor na grabe ang pag-guide sa kanyang protégé mula pa noong Star For A Night noong 2002.
Habang nasa The Voice Teens si Sarah, si Regine naman ay may mga international tour ng kanyang anniversary concert at Iconic concert with Megastar Sharon Cuneta.
Pero bago iyan, nakakatuwang magpapaunlak si Regine na mag-guest sa repeat ng Homecoming concert ng premyadong singer-songwriter noong '80s na si Odette Quesada.
Dubbed as Hopeless Romantic 2 Love Again, Regine will guest on March 27 (Friday) and another diva naman ang guest on March 28 (Saturday).
Hinintay lang matapos ang kanilang Valentine concerts kaya medyo delayed ang paghahayag ng guests.
The repeat will be held in the same venue, the BGC Arts Center in Taguig City.
The tickets are fast-selling kaya dapat mag-book na online or call Ticketworld at 8-891-9999.
Sobrang masaya lang kami sa concert naming ito dahil ang gaan at puno ng goodwill with guests just giving their support na walang hinihintay na kapalit.
So, nakaka-excite lang itong nostalgia sound trip with Odette’s songs and life story.
Kaya nang tinawag siyang Throwback Diva, sabi niya, “Hindi naman ako diva."
So, puwede na kayang sabihin na The Songbird to guest-star in the homecoming concert of the Throwback Friend?
"That’s more like it," natutuwang hirit ni Odette, na singer-songwriter ng love song na "Friend of Mine."
(Odette Quesada, ha. Iba naman ang Odette Khan.)
JERRY OLEA
Nairaos nang maluwalhati ang Unified concert nina Regine at Sarah.
Obvious ang kanilang magandang friendship, na hindi apektado ng mga intrigero noon na kesyo "credit-grabber" ang Songbird.
Of course, love, love, love nina Sarah at Matteo ang isa’t isa. Lalo pa’t nalalapit na ang divine (?) wedding nila sa Italy.
Dadalo ba roon ang mga magulang ni Sarah?
GORGY RULA
Basta available lang ang schedule ni Regine, open siya sa mga gustong magpapa-guest sa kanya.
Madalas ay hindi na pinag-uusapan ang budget. Gusto talaga ni Regine na kumanta.
Kaya nabanggit niya noon na hindi pa niya masasabi kung gagawa pa ba siya ng pelikula.
Matutuloy pa kaya ang U.S. Tour ng ICONIC concert nina Sharon Cuneta at Regine?
Samantala, nakakatuwa ring nakabalik si Odette Quesada.
Sana, makagawa pa si Odette ng mga puwedeng gamiting theme song sa mga drama series natin ngayon.
