NOEL FERRER
Deadline noong Sabado, Pebrero 15, para sa prospective entries ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF).
Batay sa nakalap ng aming secretariat, mayroong 24 film submissions.
Sa dalawang dosenang pelikula, apat ang resubmission mula sa nakaraang MMFF.
Doon sa naunang nagsabi na magsusumite, umabot ang pelikula ni Senator Jinggoy Estrada.
So ngayon, as the Selection Committee takes over and does its job, hihintayin natin ang announcement ng magiging official entries sa Marso 2.
JERRY OLEA
We’re looking forward sa first edition ng Summer MMFF, kung saan walong Pinoy films lang ang mapapanood sa local cinemas for eleven (11) days, umpisa Sabado de Gloria.
Nanganganay pa lang ang filmfest na ito, pero inaasam natin na bonggacious pa rin ang line-up. At nawa’y wala nang coronavirus scare by that time.
Hopefully ay pasok dito ang Pinoy version ng 2014 South Korean film na A Hard Day, na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
If ever, mapantayan man lang kaya nito ang local version ng Miracle in Cell No. 7 na pinagbidahan ni Aga Muhlach?
GORGY RULA
Dalawa sa apat na resubmitted films ang gustung-gusto ko sanang makapasok dahil maganda ang naririnig kong feedback.
Maging maingat sana ang Selection Committee sa pagpili ng walong pelikulang ipapasok dahil hindi natin alam kung ano talaga ang crowd ng pang-summer.
Kunsabagay, walang pasok ang mga bata kaya puwedeng pampamilya rin ang posibleng tatauhin.
Inaasahan ding magpupursige ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Execom sa pag-promote nitong Summer MMFF dahil wala pa ito sa kamalayan ng publiko.
Hindi kagaya ng Pasko na nakaugalian nang may walong local films tayong pinapanood, at kasabay na ito sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon.
