JERRY OLEA
Masalimuot ang hidwaan ng fiftysomething actress at thirtysomething actress.
Milyones na halaga ang sangkot dito, na ipinagkatiwala ng veteran actress sa not-so-young actress.
Marami nang kaibigan ang umabuso sa kabaitan ng veteran actress.
Pero labis-labis ang hinagpis niya sa “betrayal” ng not-so-young actress, na kinampihan pa man din ng isang veteran actor.
Nanganganak ang intriga, lalo pa’t ang veteran actor ay naiipit din at nagigipit sa isang isyu na milyones ding halaga ang nakataya.
Anong aral ang mapupulot ng mga kinauukulan sa istoryang ito?
Well, ang sabi sa 1 Timothy 6:10 (New International Version): “For the love of money is a root of all kinds of evil. Some people, eager for money, have wandered from the faith and pierced themselves with many griefs.”
NOEL FERRER
My God! Hindi ako makapaniwala sa chikang ito. Hindi talaga.
Pero sana, magkasundu-sundo ang mga sangkot dito.
Ang dami nang nangyayari sa mundo na hindi kanais-nais. Sana naman, maisaayos nila ito.
Nanliliit ako at nahihiya sa chikang ito kung totoo.
GORGY RULA
Totoo bang P20M na halaga ng mga alahas ang involved dito?
Kung totoo ito, hindi mo masisisi kung ganoon na lang ang pag-e-emote ng beteranang aktres.
Pero hindi sana sa social media.
Kaya siguro nilang pag-usapan at ayusin ito sa mahinahong usapan.
Malapit sa beteranang aktres ang taong nagtalusira sa kanya.
Hindi magandang tingnan na pera ang dahilan. Kikitain naman nila uli iyan.
Mabuting huwag na lang idaan ito sa social media at isantabi ang pride.
