JERRY OLEA
Tinaguriang Hari ng Telebisyon si Coco Martin.
Ilang taon nang namamayagpag ang Kapamilya teleserye niyang FPJ’s Ang Probinsyano bilang No. 1 sa TV ratings.
Maraming artista ang natulungan nito, lalo na iyong mga naghihikahos.
Sa usapin ng ABS-CBN franchise renewal, nagpasaring si Robin Padilla kay Coco sa pagtrato nito sa mga katrabaho.
Si Robin ay supporter ni Pangulong Duterte, at tiyo ni Daniel Padilla na isa sa premiere talents ng ABS-CBN.
Hindi pa man humuhupa ang isyu kay Coco, isa pang Kapamilya superstar ang tinira agad-agad—si Vice Ganda.
Nag-resurrect ang videos ng May 2013 concert ni Vice sa Araneta Coliseum kung saan pinaglaruan niya ang timbang ni Jessica Soho, at isinahog pa ito sa rape joke.
Nag-apologize kapagkuwan si Vice, at tinanggap ni Jessica ang paumanhin nito.
Maliban sa pagkalat muli ng nasabing video, may meme pa na kesyo parusa ng Diyos sa ABS-CBN ang “sodomic influence” ng network sa mga kabataang Pilipino.
Nasa meme ang litrato ni Vice at kasintahang si Ion Perez.

May “demolition job” ba kay Vice Ganda kahit masugid itong tagasuporta ni Pangulong Duterte?
NOEL FERRER
Aabangan ko kung darating si Vice Ganda at iba pang ABS-CBN talents at tagasuporta ang dadalo ngayong Pebrero 21, Biyernes, sa kanilang prayer gathering sa may compound nila—praying for the renewal of their franchise.
At this point, when Vice is coming from a good place, I don’t think papatulan pa niya ang ganyang pautot!
GORGY RULA
Umeepal ang ibang netizens—even celebrities—at obvious na nakisakay sa mainit na isyung pinag-usapan.
Hindi naman apektado si Vice Ganda. Mas pagkaabalahan na lang niya ang tiktok nila ni Ion Perez.
