Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Mommy Carol Santos, may mensahe para kay Mommy Divine

by PEP Troika
Feb 23, 2020
Mommy Carol Santos (left), Judy Ann Santos's mother, shares her message for Divine Geronimo (right), mother of newlywed Sarah Geronimo: “At the end of the day, ang isipin mo ay ang kaligayahan ng anak mo, hindi yung kaligayahan mo..."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

NOEL FERRER

Sa Level Up Showbiz Saturdate sa Teleradyo Inquirer tuwing Sabado, panata naming batiin at kumustahin si Mommy Carol Santos, ina ni Judy Ann Santos, lalo na’t birthday niya sa February 25, Martes.

Nagkaroon ng misa at munting salu-salo para sa kanya sa bahay nina Ryan at Juday sa Alabang.

Ang hiling niya sa akin ay ang makapanood ng concert ni Odette Quesada, na gustung-gusto niya ang mga kanta.

Natanong ko siya tungkol sa marami pang showbiz issues, pero heto ang pinakamaganda niyang nasabi ukol sa pagpaparaya sa anak, na ikinalugod ng Popsters na guests ko rin sa aking show.

Sabi ni Mommy Carol: “At the end of the day, ang isipin mo ay ang kaligayahan ng anak mo, hindi yung kaligayahan mo.

“Kasi ikaw, paalis ka na sa mundo.

"Itong mga anak mo, paumpisa pa lang, so you always wish them the best na mangyayari sa buhay nila.

Continue reading below ↓

“At matuwa ka na nandiyan ka pa, nakita mong masaya na ang anak mo, right?

“Dapat talaga may support ka sa anak mo.

"Kahit nga ayaw mo ang mapapangasawa ng anak mo, the mere fact na gusto ng anak mo yun, wala kang magagawa.

“Kasi, ikaw ba ang pakikisamahan ng mapapangasawa?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Pabayaan mo ang anak mo. Sila naman ang magiging maligaya.

“At the end of the day, kung magkakagulu-gulo, anak mo ang masisisi, at hindi ikaw."

Pagkatapos ng interview, palakpakan ang Popsters na nasa studio.

At ang nasabi lang ng mabait nilang leader na si Barrie ay: “Sana, all.”

JERRY OLEA

Nasa puso at isip ni Mommy Carol ang katuturan ng tulang On Children mula sa aklat na The Prophet (1923) ni Kahlil Gibran (1883-1931).

Bahagi ng nasabing tula na nagpapaalala sa mga magulang:

“Your children are not your children.

“They are the sons and daughters of Life’s longing for itself.

Continue reading below ↓

“They come through you but not from you,

“And though they are with you yet they belong not to you.

“You may give them your love but not your thoughts,

“For they have their own thoughts.

“You may house their bodies but not their souls,

“For their souls dwell in the house of tomorrow, which you cannot visit, not even in your dreams.

“You may strive to be like them, but seek not to make them like you.

“For life goes not backward nor tarries with yesterday...”

GORGY RULA

Marami na ang nasabi. Wala pa tayong naririnig mula sa bagong kasal, maging sa mother o kahit father of the bride.

Sana, magsalita na sila para malinawan na ang lahat.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mommy Carol Santos (left), Judy Ann Santos's mother, shares her message for Divine Geronimo (right), mother of newlywed Sarah Geronimo: “At the end of the day, ang isipin mo ay ang kaligayahan ng anak mo, hindi yung kaligayahan mo..."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results