JERRY OLEA
Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, naghahari kung weekdays, Lunes hanggang Biyernes, ang primetime teleserye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano.
Kung Sabado, bumabandera ang The Voice Teens.
At pagsapit ng Linggo... nag-umpisa nang magreyna si Julia Montes!
Nitong Pebrero 23, Linggo, No. 1 program ang pilot telecast ng 24/7 na comeback project ni Julia Montes, kasama sina Edu Manzano, Arjo Atayde, JC Santos, Pen Medina, Denise Laurel, Joem Bascon, Joross Gamboa, Eric Fructuoso, at Melissa Ricks.
Naka-27% ang season premiere ng 24/7, kontra sa 17.1% ng Daig Kayo Ng Lola Ko, at 17.4% ng Centerstage na hinu-host ni Alden Richards.
Naka-20.2% ang Sunday edition ng The Voice Teens, kontra sa 26.5% ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Naka-19.5% ang Rated K, kontra sa 13.4% ng Amazing Earth.
Naka-13.2% ang Gandang Gabi, Vice kung saan panauhin ang maalindog na si Ivana Alawi, kontra sa 8.2% ng The Boobay and Tekla Show.
Naka-11.7% ang ASAP Natin ‘To, kontra sa 9.5% ng All Out Sundays.
Naka-11.2% ang Banana Sundae, kontra sa 9% ng Dear Uge.
GORGY RULA
Noong nakaraang Linggo ay nanatiling mataas pa rin sa AGB NUTAM ang All-Out Sundays na naka-5.8%, at 4.6% naman ang ASAP Natin ‘To.
Medyo malaki ang agwat kaya tumaas din ang Dear Uge na naka-4.5%, at 4.3% ang Banana Sundae.
Pero hindi pa rin matinag ang FPJ on ABS-CBN na naka-5.7%, at 4.9% ang GMA Blockbuster.
Pagdating ng primetime, inaasahan naming mataas itong pilot episode na 24/7 ni Julia Montes. Pero halos dumikit lang sa Daig Kayo ng Lola Ko at Centerstage.
Nagkakaroon lang kasi ng overlap dahil medyo may kahabaan itong 24/7.
Pero simulan muna natin sa 24 Oras na may 5.1%, kumpara sa kapatapat nitong TV Patrol na may 4.6%.
Ang Amazing Earth ay 7.4%, at 8.6% ang Rated K.
Pumasok ang Daig Kayo ng Lola Ko na may 10.1% versus 12.4% ng 24/7.
Hindi pa tapos itong 24/7, pumasok na rin ang Centerstage na may 11.2%.
Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 16.5% versus 10.1% ang The Voice Teens.
Pumasok na rin doon ang Gandang Gabi Vice na 7.2%.
Hindi lang ako sure kung yun na ba ang last episode ng GGV dahil buong episode ay si Ivana Alawi ang guest nila.
Hindi pa pumasok ang guesting ni Raffy Tulfo, kaya baka meron pa sila uli sa susunod na Linggo.
Sa last part ng GGV ay pumasok na ang The Boobay and Tekla Show na naka-5.3%, at bale nakatapat na nito ang Sunday’s Best na naka-0.6% lamang.
NOEL FERRER
Rightfully so, napanood ko ang pilot episode ng bagong weekly-series na 24/7 ni Julia Montes, and I was impressed.
Maayos ang istorya, mahusay at malikhain ang direksiyon at aspetong teknikal.
Mahuhusay ang mga nagsiganap, lalo na ang bidang si Julia Montes na maituturing kong isa sa pinakamahusay na aktres ng kanyang henerasyon.
Congratulations sa Dreamscape Team sa magandang proyektong ito.
Nakakapanabik pa ang mga susunod na episode nito.
Yung ibang shows, sakto lang. Itong 24/7 talaga ang programang magandang subaybayan!
