GORGY RULA
Ayaw isipin ni Natalie Hart na si Ivana Alawi ang threat sa kanyang career pagdating sa pagpapa-sexy.
Tanggap ng 27-year-old sexy actress na naudlot ang pamamayagpag ng kanyang career, lalo na sa pagpapa-sexy, dahil sa pagbuntis niya.
Pero wala siyang pagsisisi dahil iba raw pala talaga kapag isa ka nang ina.
“Nung una, noong buntis pa ako, naisip ko pa iyon.
"Pero ngayong nandito na ang anak ko, hindi ko na naiisip.
“I think, nakita naman nila ang anak ko sa pictures, naintindihan naman nila.
"I’m a happier person now na may anak ako,” nakangiting pahayag ni Natalie nitong Pebrero 27, Huwebes, sa Coffee Project, Quezon City.
Ngayong nakabalik na siya, naibalik din ang kapayatan at kaseksihan.
OK lang daw siyang magpa-sexy sa mga pelikulang ginagawa niya, pero may limitations na at tinitingnan muna niya kung kailangan ba talaga sa pelikula.
Kung pumasok man ngayon si Ivana sa limelight at ito na ang bagong pinagpapantasyahan ng kalalakihan, hindi raw ito isyu kay Nathalie.
Kani-kanyang panahon naman daw iyan.
Saad ni Nathalie, “It’s not a threat, kasi at the end of the day, she has her own market, may market din ako.
“Kumbaga siguro, naku-compare lang kami, sina Ellen [Adarna] and everything.
"Kasi, lahat kami, nagpapa-sexy. Pero in terms of kung threat… bahala na.
“I think, every time naman, may bagong pumapasok.
"So, after two years, may bago na namang pumapasok. So, it’s understandable."
Ayaw na raw ni Nathalie na matawag na sexy star dahil mas gusto na niyang malinya sa matinding aktingan, at hindi sa paghuhubad lang.
Wala raw kaso sa kanya kung hindi na siya ang babansagang "pantasya ng bayan."
“Sa akin, it’s not about being on the top. It’s about having a job.
“As long as I exist and I still have a job, that’s important to me,” diretso niyang pahayag.
Pa-Japan si Natalie ngayong Pebrero 28, Biyernes, para sa shooting ng Viva movie na Steal.
Ginagawa pa rin niya ang pelikulang Kunyari Mahal Kita kasama sina Ryza Cenon at Joseph Marco, at ang Pakboys kasama sina Andrew E at Janno Gibbs.
Nasa iWant TV na ang digital movie niyang Sunday Night Fever kasama sina Diether Ocampo at Ricky Davao.
JERRY OLEA
Nakachikahan ko si Nathalie sa 3rd Diamond Golden Awards noong Nobyembre 10, 2019 sa Marco Polo Hotel-Ortigas, Pasig City.
At the time ay hindi pa niya inaaming hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak, pero pursigido siyang maging aktibo muli sa pag-aartista.
Aniya, limang taon pa ang kontrata niya sa kanyang manager, at siyam na pelikula ang pinirmahan niyang gagawin sa Viva Films.
Mas ka-level ni Nathalie si Ellen dahil pareho silang single mother.
Si Kim Molina ang tinaguriang bagong pantasya ng bayan, ngunit iwinaksi niya iyon. Kaya walang kaagaw si Ivana sa kanyang trono.
NOEL FERRER
Si Ivana ang Flavor of the Season sa mga batang sexy stars.
She reminds of the Maui Taylor and Aubrey Miles of the previous era.
Si Nathalie Hart, parang Abby Viduya/Priscilla Almeda noon.
Si Ellen Adarna, puwedeng Kring Kring Gonzales dati.
Sana, galingan nila, hindi lang ang pagpapa-sexy para mapansin sila sa kahusayan nila bilang mga legit na aktres!
