NOEL FERRER
Ngayong Linggo ng hapon, March 1, magaganap ang wedding ng singers na sina Jay-R at Mica Javier sa Boracay.
Kaya puno ng fellow Cornerstone artists ngayon doon.
Makikita sa photos sina Jaya, Jason Dy, KC Concepcion, Kylie Verzosa, at si Coleen Garcia, misis ng best friend ni Jay-R na si Billy Crawford.
Tingnan natin kung makakahabol pa papuntang Bora ang ibang mga kaibigan nila sa ASAP na may live show ngayon, at pagkatapos ay may Kapamilya Prayer Rally pa pala nang 5 p.m. sa harap ng ABS-CBN Compound sa Sgt. Esguerra St., Quezon City.
Basta, tayo dito sa PEP Troika ay bumabati kina Jay-R at Mica ng Congratulations and Best Wishers!
Mabuhay ang Bagong Kasal!!!
GORGY RULA
Naplano nang mabuti nina Jay-R at Mica itong kasalan nila.
Noong nakapanayam namin ang magkasintahan pagkatapos nilang ma-engage noong 2018, sinabi ni Mica na ayaw niyang magpakasal agad porke’t nag-propose na sa kanya si Jay-R.
Gusto niyang mapaghandaan ng at least isa pang taon, kaya tamang-tama itong March 1, 2020.
Isa ako sa nakasubaybay sa love life ni Jay-R bilang love ko talaga iyan, dahil napakabait.
Siya ang tipong pangmatagalan kung makipagrelasyon. Kaya hindi siya yung tipong girlfriend lang nang girlfriend.
Sinasabi niya noong seryoso talaga siya tuwing nakipagrelasyon, na iniisip niyang ito na ang babaeng makakasama niya habang buhay.
Kaya madalas na nangyayari, hindi siya ang dahilan kapag natatapos na ang isang relasyon.
Mabuti at nakita ni Jay-R kay Mica ang hinahanap niyang panghabambuhay na pagsasama.
Sa kanila ako naniniwala na meron talagang forever.
Congratulations at best wishes kina Jay-R at Mica!
JERRY OLEA
Nagkakasunud-sunod ang celebrity weddings ngayong 2020, huh?!
Megan Young-Mikael Daez noong Enero 10 at 25.
Juancho Trivino-Joyce Pring noong Pebrero 9.
Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli at Joanna Ampil-Faust Feneyra noong Pebrero 20.
Sheena Halili-Jeron Manzanero noong Pebrero 23.
Sina KZ Tandingan at TJ Monterde, nag-engagement shoot na sa Tokyo, Japan. Naka-belo si KZ kaya inakala ng iba na nagpakasal na sila.
Sina JC de Vera at Rikkah Cruz, nagkaroon ng pre-nup shoot sa Jones Bridge ng Binondo, Manila. Kapagkuwan ay naaksidente si JC.
Nasa Facebook post kahapon, Pebrero 29, ng manager niyang si Leo Dominguez ang picture ni JC na naka-wheelchair at naka-cast ang isang paa.
Sa Marso 14, ikakasal sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Shangri-La at the Fort, BGC, Taguig City.
Ikinakasa na ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce. Sa Abril ba ito?
