Si Mommy Divine at ang birthday cakes ni Sarah Geronimo...

by PEP Troika
Mar 3, 2020
Isang movie press, may naalalang ikinilos ni Mommy Divine sa birthday bash ni Sarah Geronimo sa isang ABS-CBN program.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Pasabog ang kuwento ni Ai-Ai de las Alas tungkol sa karanasan niya kay Divine Geronimo, o mas kilala bilang Mommy Divine, ina ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Pero bukod sa kanya, may ilan pang personalidad ang nagbahagi sa PEP Troika tungkol sa panahong nakatrabaho nila si Sarah sa ilang programa sa ABS-CBN.

Naalala ng isang kaibigang movie press noong naging bahagi siya ng isang programa sa ABS-CBN kung saan nag-celebrate ng kaarawan si Sarah.

Nagtambakan daw ang mga regalong dumating.

Mahigit sampung birthday cakes din daw ang dumagsa na isa-isang binanggit at pinasalamatan dahil sponsors iyon ng Popstar Royalty.

Naloka raw ang lahat ng staff pagkatapos ng show, dahil lahat ng cakes ay pinapasok daw ni Mommy Divine sa van nila.

Hindi raw nila maisip kung paano kakainin nina Sarah ang cakes na iyon na iniuwi lahat.

Kahit iyong isang cake na nahiwa na ni Sarah ay hindi raw iniwan para sa staff man lang sana. Wala raw talagang itinira.

Continue reading below ↓

Kaya hindi na raw sila nagulat na yung pagkawala ng isang T-shirt ni Sarah ay pinahanap ni Mommy Divine at pinahalughog pati sa van ni Ai-Ai.

Mabuti at umalis daw si Ai-Ai para magsimba sandali sa Baclaran, kaya pagbalik daw niya sa set, pinalipat na ng comedienne ang mga gamit niya sa ibang dressing room.

Magkasama pala sina Ai-Ai at Sarah sa isang dressing room noong nagkatrabaho sila sa Bituing Walang Ningning, ABS-CBN primetime series noong 2006.

Kaya para huwag na lang daw maulit ang ganoong insidente, nagpahiwalay na lang siya ng dressing room.

Nahiya raw si Mommy Divine, at lumapit daw ito kay Ai-Ai para mag-sorry.

Okey na raw iyon kay Ai Ai, pero mabuting magkahiwalay na lang sila ni Sarah ng dressing room.

Siyanga pala, gustong linawin ni Ai-Ai na yung father-in-law niyang nagba-bodyguard noon sa pamilya ni Matteo Guidicelli ay hindi raw kay Matteo nagguwardiya kundi sa ama ng aktor.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Labindalawa ang mga Batas ng Karma.

Pangunahin sa mga ito ang Dakilang Batas o “The Law of Cause and Effect.”

Kung ano ang iyong itinanim, siya mong aanihin.

Upang makatanggap ka ng kaligayahan, kapayapaan, pagmamahal, at pagkakaibigan, kailangang ikaw ay maligaya, payapa, mapagmahal, at tunay na kaibigan.

Kung ano ang ihasik mo sa universe ay babalik sa iyo. Nawa’y matanto ni Mommy Divine ang kabuluhan nito.

NOEL FERRER

Ang mga araw pagkatapos ng Christian wedding nina Sarah at Matteo ay panahon ng pagmumuni-muni para sa mga magulang nito.

Para malinawan na ang isip at pairalin ang higit na pagmamahal at pang-unawa.

Sa basbas at pagpapala ng Diyos, maaayos din ang lahat.

Doon tayo nananalangin ng totoong Divine Intervention, hindi yung ginawang punchline!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang movie press, may naalalang ikinilos ni Mommy Divine sa birthday bash ni Sarah Geronimo sa isang ABS-CBN program.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results