Direk Joel Lamangan, di akalaing makakapag-promote ng pelikula sa Senate hearing

by PEP Troika
Mar 3, 2020
Sa Senate hearing para sa ABS-CBN franchise renewal, nablangko ang isip ni Direk Joel Lamangan nang tanungin siya ni Senador Grace Poe kung may pelikula siyang ipo-promote.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Walang-wala sa isip ni Direk Joel Lamangan na makakapag-promote siya ng pelikulang Hindi Tayo Puwede sa Senate hearing noong Pebrero 24, Lunes.

Nagtungo siya roon kasama ang iba pang mga direktor ng DGPI (Directors Guild of the Philippines, Inc.) para suportahan ang presidente nilang si Paolo Villaluna, na resource person sana kaugnay sa usapin ng franchise renewal ng ABS-CBN Network.

Isa lamang sana siya sa mga “pala” o taga-palakpak sa likod ni Direk Paolo.

Pero sinabihan ni Direk Paolo si Direk Joel nang umagang iyon upang ito na lamang ang magsalita para sa kanilang grupo ng mga direktor.

Ang katuwiran ni Direk Paolo, si Direk Joel ang pinakamatanda sa kanila.

Bagamat senior citizen na si Direk Joel, napakunot-noo siya sa sinabi ni Direk Paolo na siya ang pinakamatanda kaya pinagpaliwanag niya ito.

Maayos ang paliwanag ni Direk Paolo na si Direk Joel ang pinakamalawak ang karanasan sa kanilang hanay, kaya makabubuting ito ang maging tagapagsalita nila.

Continue reading below ↓

Ibinuhos ni Direk Joel ang kanyang utak sa kung ano ang sasabihin niya, kaya naman taos-puso ang marubdob niyang talumpati.

Pero nablangko ang isip ni Direk Joel nang tanungin siya ni Senador Grace Poe kung may pelikula siyang ipo-promote.

Natigalgal si Direk Joel.

Hindi siya makapaniwalang makakapag-promote siya sa Senado, kahit sinabi pa ni Senador Grace na tulong iyon sa industriya ng pelikula.

Nakalimutan ni Direk Joel ang title ng movie niya, kaya inurirat pa niya ang katabing talent manager at Viva executive na si Ma’am June Torrejon-Rufino.

In Between Goodbyes kasi ang original title.

"Nang pumunta ako sa Senate, hindi ko alam na magsasalita ako, at makakapag-promote pa.

"Wala akong ganoong intensiyon,” sabi ni Direk Joel nang makausap namin nitong Marso 2, Lunes ng hapon, sa Novotel Hotel.

Nilinaw rin ni Direk Joel na isa siyang Kapuso, bagamat may dinirek siyang digital series na The Beauty Queens para sa iWant TV.

Continue reading below ↓

Ngayong Marso 3, Martes ng gabi, ang premiere ng Hindi Tayo Puwede sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Kakaibang love triangle ito, kung saan bida sina Lovi Poe, Marco Gumabao, at Tony Labrusca.

NOEL FERRER

Isa si Direk Joel Lamangan sa mga Kapuso na lantarang nakiisa sa ipinaglalabang freedom of speech and expression na kaakibat ng ABS-CBN franchise renewal.

Maliban sa kanya, kay Dingdong Dantes, Atom Araullo, at Eugene Domingo, sino pa kaya ang maglalakas-loob na mga Kapuso na maninindigan kaisa ng mga kasama nila sa media?

GORGY RULA

Kapag showbiz ang involved sa isang Senate hearing, napag-uusapan talaga dahil may mga eksenang nangyayari na ikinatutuwa ng mga sumusubaybay nito.

Naaala ko lang, noong isinalang si Manay Lolit Solis sa hearing sa Senado para pag-usapan ang tungkol sa mga Bruneiyuki, na-introduce sa mga pinagpipitaganang senador ang salitang “tsugi.”

Hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng "tsugi" nang binanggit ni Manay Lolit ang terminong iyon.

Continue reading below ↓

Kung uso lang ang social media noon, tiyak na nag-trending iyon.

Pero dito sa usaping franchise renewal, si Direk Joel Lamangan lang ang puwedeng magsalita talaga sa hanay ng mga direktor na pinapunta roon sa hearing.

Kaya tiyak na ikinatuwa iyon ng mga taga-ABS-CBN.

Pagkatapos ng isyung ito, at hopefully mabibigyan sila ng renewal, posible kayang magdirek si Direk Joel ng isang teleserye sa Kapamilya Network?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Senate hearing para sa ABS-CBN franchise renewal, nablangko ang isip ni Direk Joel Lamangan nang tanungin siya ni Senador Grace Poe kung may pelikula siyang ipo-promote.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results