Eat Bulaga, natalo ang It's Showtime sa Saturday ratings; The Voice Teens, wagi laban sa Daddy's Gurl

by PEP Troika
Mar 4, 2020
Wagi ang Eat Bulaga na nakakuha ng 15.3% laban sa It's Showtime na may 14.1%, ayon sa ratings ng Kantar Media noong February 29, 2020. Habang waging-wagi pa rin ang The Voice Teens: Season 2 na naka-27.5%, kontra sa Daddy’s Gurl na may 16.4%.
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga / It's Showtime / The Voice Teens / Daddy's Gurl

JERRY OLEA

Bagamat Kapamilya programs ang Top 2 sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Pebrero 29, Sabado, mas marami ang Kapuso shows sa Top 10.

Waging-wagi pa rin ang The Voice Teens: Season 2 na naka-27.5%, kontra sa Daddy’s Gurl na may 16.4%.

Naka-25.1% ang Maalaala Mo Kaya episode nina Sid Lucero at Gelli de Belen, kontra sa 18.8% ng Magpakailanman episode nina Andrea Torres at Benjamin Alves.

Naka-19.7% lamang ang Home Sweetie Home, kontra sa 20.3% ng Wowowin Primetime ni Willie Revillame.

Naka-14.1% lang ang It’s Showtime, kumpara sa 15.3% ng Eat Bulaga, at 16.4% ng Prima Donnas.

Naka-16.3% ang Pepito Manaloto. Naka-14.4% lamang ang Ipaglaban Mo, kontra sa 14.9% ng Tadhana.

GORGY RULA

Ang nakuha ko namang rating mula sa AGB-NUTAM noong nakaraang Sabado, February 29, ay naka-5.9% ang 24 Oras Weekend, at 4.9% ang katapat na Kuha Mo.

Sumunod ang Pepito Manaloto na may 8.7%, na naging katapat na ng TV Patrol na 6.4%. Sumunod sa Pepito Manaloto ang Wowowin Primetime na naka-10.4%.

Continue reading below ↓

Wagi pa rin ang The Voice Teens na 12.5% versus Daddy’s Gurl na 9.8%.

Winner din sa AGB ang Maalaala Mo Kaya na nakakuha ng 12.4%, laban sa Magpakailanman na may 11.6%.

NOEL FERRER:

So, wagi sa Kantar Media noong Sabado ang Eat Bulaga, Prima Donnas, Tadhana, Pepito Manaloto, at Wowowin Primetime.

For sure, wagi rin ang mga iyan sa AGB NUTAM.

Kung format-to-format ang tapatan, katulad ng ibang shows kapag Sabado—what if magkaroon ng Saturday edition ang Centerstage like The Voice Teens? Mas interesting kaya ang labanan?

Ang Centerstage ng GMA-7 ay hinu-host ni Alden Richards, habang ang The Voice Teens ng ABS-CBN ay pinangungunahan ng coaches na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo, at apl.de.ap.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wagi ang Eat Bulaga na nakakuha ng 15.3% laban sa It's Showtime na may 14.1%, ayon sa ratings ng Kantar Media noong February 29, 2020. Habang waging-wagi pa rin ang The Voice Teens: Season 2 na naka-27.5%, kontra sa Daddy’s Gurl na may 16.4%.
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga / It's Showtime / The Voice Teens / Daddy's Gurl
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results