Ang Probinsyano, di pa rin natitinag sa prime time; DOTS, trending sa Twitter

by PEP Troika
Mar 5, 2020
Bagong tapatan sa primetime television: Coco Martin sa Ang Probinsyano at Dingdong Dantes & Jennylyn Mercado sa Descendants of the Sun.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram / @gmanetwork Instagram

JERRY OLEA

Kahit nag-switch ng timeslot ang Kapuso programs na Descendants of the Sun at Anak ni Waray vs Anak ni Biday noong Marso 2, Lunes, hindi natinag ang primetime teledramas ng Kapamilya Network.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Pebrero 28, BIYERNES, naka-31.5% ang FPJ’s Ang Probinsyano, kontra sa 17.0% ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Naka-23.4% ang Make It With You, kontra sa 16.2% ng Descendants of the Sun.

Naka-14.9% ang A Soldier’s Heart, kontra sa 11.3% ng Love of My Life.

Noong Marso 2, LUNES, naka-35.4% ang FPJ’s Ang Probinsyano, kontra sa 16.9% ng Descendants of the Sun.

Naka-27.3% ang Make It With You, kontra sa 14.9% ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Naka-16.7% ang A Soldier’s Heart, kontra sa 10.4% ng Love of My Life.

Noong Marso 3, MARTES, naka-34.5% ang FPJ’s Ang Probinsyano, kontra sa 17.3% ng Descendants of the Sun.

Continue reading below ↓

Naka-25% ang Make It With You, kontra sa 15.3% ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Naka-13.7% ang A Soldier’s Heart, kontra sa 10.8% ng Love of My Life.

GORGY RULA

Masaya ang mga taga-Descendants of the Sun (DOTS) dahil, kahit paano, nagte-trend ito.

Pinupuri sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado dahil, kahit alam ng lahat na may kanya-kanya silang pag-ibig, nagagawa pa nilang magpakilig sa mga eksena nila.

Kahit sinusunod nila ang buong kuwento ng sikat na Koreanovelang ito, sinisikap nilang magkaroon ng Pinoy touch na swak sa mga manoood.

May mga eksena ngang parang nabuhusan lang kayo ng tubig, mabibigla na lang kayo.

Tamang-tama namang bumagay kay Dingdong ang Big Boss role sa DOTS, at tugma ito sa action movie niyang A Hard Day, na kalahok sa 1st Summer Metro Manila Film Festival.

Ang nakakatuwa sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, bumabagay si Barbie Forteza sa lead actors na ipina-partner sa kanya.

Continue reading below ↓

Ikinuwento nila sa amin na kahit alam ng lahat na may Jak Roberto si Barbie, may chemistry sila ni Migo Adecer.

Ang latest, may isa pang project sa National Commission on Culture and Arts at GMA Pubic Affairs, ang Project Destination, na pinagsamahan naman nina Migo at Kate Valdez.

Si Migo ngayon ang isa sa pinaka-promising young actors sa ngayon dahil nakakaarte siya.

Consistent namang mataas ang Love of My Life, lalo na ngayong linggo na crucial ito dahil dito na mamamatay si Stefano, na ginagampanan ni Tom Rodriguez.

Kaya ipinapangako ni Carla Abellana sa televiewers na hindi madi-disappoint ang mga sumusubaybay sa kanila.

NOEL FERRER

Sa wakas, dahil sa katangahan sa pag-ibig ng Presidente sa FPJ’s Ang Probinsyano, inatake si Pangulong Rowell Santiago sa harap nina Lorna Tolentino at Tirso Cruz III. Nagkagulo sa Palasyo.

Paano mo naman bibitawan ang panonood ng teleseryeng ito?

Kitang-kita ang effort para busisiin ang DOTS, at mas worthy itong opponent ng Probinsyano. Sana, pumalo pa ito sa ratings.

Continue reading below ↓

At wagi pa rin talaga ang LizQuen sa kanilang soap, ha, with the Ben &Ben theme song.

Pero there’s something in Love Of My Life that interests me.

Ito’y si Tita Coney Reyes, na parang lucky charm talaga at nagre-rate ang shows na sinasalihan, ha!

In all fairness!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagong tapatan sa primetime television: Coco Martin sa Ang Probinsyano at Dingdong Dantes & Jennylyn Mercado sa Descendants of the Sun.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram / @gmanetwork Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results