Ogie Alcasid, naging kaibigan si Jae Park ng Day6 matapos mag-trend sa Twitter

by PEP Troika
Mar 6, 2020
Ogie Alcasid, ibinahagi ang usapan nila ni Jae Park ng K-pop band na Day6: "Now, friend ko na siya. So, sabi niya, 'When I come to the Philippines, I’d like to meet you.'"
PHOTO/S: Gorgy Rula / @eajpark Instagram

GORGY RULA

Nakakatuwa ang kuwento ni Ogie Alcasid tungkol sa pag-trend niya sa Twitter noong nakaraang Linggo, Marso 1, pagkatapos niyang mag-perform sa ASAP Natin ‘To

Akala niya ay ang performance niya sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN ang dahilan ng pag-trend niya.

Iyon pala ay dahil sa suot niyang jacket na kapareho ng suot ng sikat na K-pop artist na si Jae Park ng bandang Day6.

Kuwento ni Ogie nang nakapanayam namin sa mediacon ng Kilabotitos concert:

"Noong Sunday, may suot akong jacket na Gucci.

"Hindi ko masyado sinusuot iyon. [Pero] kasi, requirement was floral so sinuot ko siya.

"And then, suddenly, one of his fans posted 'Who wore it better? Ogie or Jae?'

"Nakita ko yung post, sabi ko, 'Of course, Jae.'"

Continue reading below ↓

Nakarating daw kay Jae ang usap-usapan ng fans sa Twitter, at pagkatapos ay ni-retweet nito si Ogie.

Kuwento pa ni Ogie, "E, yun pala, pag ni-retweet niyang ganun, malaking bagay na pala sa fandom yun.

"For some reason, nag-trend yung pangalan ko noong Sunday.

"Akala ko dahil sa ASAP. Hindi pala. Dahil sa jacket ko."

Continue reading below ↓

Sa tulong daw ng netizens, naging magkaibigan na sina Ogie at Jae ng Day6.

"Nakakatuwa naman 'tong mga fans na 'to ng Day6 'coz parang ipinapakilala nila ako kay Jae.

"'Jae, this is our singer Ogie Alcasid. He’s goodlooking, he’s sexy...' Bini-build up nila ako. Ang cute naman 'tong mga ‘to.

"Finally, ni-recognize niya ako, tapos finallow niya ako, tapos ni-PM niya ako.

"Hindi ko sinabi na nag-PM siya, pero ang mga fans niya, 'Oh my gosh! They followed each other! Baka nagpi-PM na sila.'"


Continue reading below ↓

Dahil sa tuwa niya sa fans ni Jae, ni-research ni Ogie ang personal background ng K-pop artist.

Napag-alaman daw ni Ogie na si Jae ay 27 years old ay magaling na guitar player ng Day6.

"I realized these guys, they’re so nice... I enjoyed listening to their music," ani Ogie.

Ibinahagi rin ni Ogie ang usapan nila ni Jae sakaling bumisita ito sa bansa.

"Now, friend ko na siya. So, sabi niya, 'When I come to the Philippines, I’d like to meet you.'

"'Of course, I’ll take you around, let’s go to Manila zoo,'" pabirong kuwento ni Ogie.

Pati ang asawa ni Ogie na si Regine Velasquez ay na-curious din sa pinagkaabalahan ni Ogie sa Twitter.

"Siyempre binida ko na agad. Sabi niya, 'Sino ba iyang pinag-aaksayahan mo diyan?'

"'Huwag kang ano. Si Jae 'to, kaibigan ko 'to.'"

Actually, dalawang beses nang nakapag-perform sa Pilipinas si Jae at ang Day6.

Continue reading below ↓

Una ay noong October 2018, sa KIA Theater, para sa kanilang Youth world tour; at pangalawa noong November 2019, sa Smart Araneta Coliseum, para sa kanilang Gravity world tour.

Tinanong si Ogie ng isang reporter kung iimbitahin ba niya si Jae sa Kilabotitos concert sa Marso 20 at 21?

Kung wala lang daw travel ban sa South Korea, baka ikinuwento na rin daw niya ang tungkol sa kanilang concert.

Pero malabo pa raw magbiyahe kaya tsikahan na lang daw sila sa social media.

JERRY OLEA

Nakaka-good vibes ang ganyang kuwento, kung saan nakakatisod ka ng kaibigan sa social media.

Sana, all.

NOEL FERRER

It’s a small world after all!

Tama ka, Tito Jerry. Sana, kung sa ganito magkakasundo ang mga bansa, mas mainam, di ba?

Sa balitang isang 62-year-old male na frequent visitor sa Greenhills ang nagpositibo sa coronavirus, sana ay mabaling ang atensyon ng mga tao away from the hysteria.

Continue reading below ↓

Puwedeng maging solusyon dito ang maayos na pakikipagkapwa-tao.

Sabi nga sa kanta, "Sana, pag-ibig na lang ang isipin ng bawa’t isa sa mundo."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid, ibinahagi ang usapan nila ni Jae Park ng K-pop band na Day6: "Now, friend ko na siya. So, sabi niya, 'When I come to the Philippines, I’d like to meet you.'"
PHOTO/S: Gorgy Rula / @eajpark Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results