Wash your hands, at baka manalo ka ng tickets sa 3rd show ni Odette Quesada

by PEP Troika
Mar 8, 2020
Odette Quesada's third show at Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, is on March 29, 2020. You can get the chance to watch it by washing your hands.
PHOTO/S: @oqpied @iamnoelferrer on Instagram

NOEL FERRER

Less than a 100 tickets to go at magiging sold out na ang third night ng Odette Quesada, Hopeless Romantic The Farewell Performance, na gaganapin sa Marso 29, 2020, three Sundays from now, sa Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, Taguig City.

Sa gitna ng health threat na dulot ng COVID 19, matutuloy ang much-awaited and much-loved throwback concert event ng taon.

At bilib kami sa guests sa series na sina Ms. Regine Velasquez-Alcasid at Daryl Ong (sa March 27), Ms. Lani Misalucha at Dingdong Avanzado (sa March 28), at sina Joanna Ampil, Juris, at Raymond Lauchengco (March 29).

Introducing si Arman Ferrer sa lahat ng gabi. For the love of Odette, magpa-fly in ito from Los Angeles soon.

Nauna nang ma-sold out ang unang dalawang gabi ng series na ito. Kaya nakakatuwa lang na sa gitna ng health scare ay patuloy pa rin ang suporta ng lovers of Filipino music at sa mga kanta ni Odette kaya, hinikayat ni Odette thru a video to wash hands, sing an Odette song (na 20 seconds or more), and post.

Continue reading below ↓

Ang mananalo ay makakakuha ng two tickets na house seats from the BGC Arts Center.

Life goes on. Hindi naman puwedeng tumigil ang buhay dahil sa coronavirus.

So, inaanyayahan ni Odette ang lahat to wash hands, sing an Odette song, and post using the hashtags #OdetteQuesadaHopelessRomantic #WashHandsSingOdette #FarewellPerformance to win a prize.

Continue reading below ↓

Truly, sana’y malabanan ng pagmamahal natin sa musika at sa isa’t isa ang kahit na anong virus. Muli, tuloy ang buhay!!!

GORGY RULA

Oo nga. Huwag tayong padadaig sa takot. Sabi nga ng ilang celebs na nakakausap ko—kung oras mo, oras mo na. Dumadaing na rin ang ibang artists na ang dami na raw nilang raket na naka-cancel lalo na sa ibang bansa.

Kaya hindi na rin sila nagpepresyo nang husto dahil mangilan-ngilan na lang ang nag-e-event sa takot sa Covid 19.

Patuloy na lang sa pagdarasal.

JERRY OLEA

Better safe than sorry. Hindi na ako nagtaka sa tsika ng ilang kaibigan na nagmukhang ghost town ang Greenhills at BGC nitong Marso 7, Biyernes.

Maging updated tayo sa mga balita mula sa reliable sources, at huwag basta-basta magpaniwala sa mga paandar at paeklay ng kung sinu-sino.

Ilang bayan ba ang walang pasok ang mga estudyante bukas, Marso 9, Lunes?

Nag-postpone si Gary V ng concert, ganoon din ang KilaboTitos nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion na nakatakda sana sa Marso 20 at 21 sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City.

Continue reading below ↓

Tuluy-tuloy ang promo ng Sinag Maynila 2020 Film Festival, na gaganapin sa Marso 17-24. Labing-apat ang mga sinehan nito.

Uulitin ko... INGAT!!!

Read Next
Read More Stories About
Odette Quesada
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Odette Quesada's third show at Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, is on March 29, 2020. You can get the chance to watch it by washing your hands.
PHOTO/S: @oqpied @iamnoelferrer on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results