Ibang TV programs na may live audience, sumunod kaya sa Eat Bulaga?

by PEP Troika
Mar 9, 2020
Eat Bulaga at ibang showbiz-related events, nagpatupad ng precautionary measures upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

GORGY RULA

Sinimulan ng Eat Bulaga! ngayong Marso 9, Lunes, ang hindi pagtanggap ng audience na manonood ng live show sa kanilang APT Studios sa Cainta, Rizal.

Naglabas ang Eat Bulaga! ng announcement sa social media account nito na sinuspinde muna ang pagpapasok ng audience sa studio dahil sa pangamba at pag-iingat na rin sa mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Sa ngayon ay hindi pa nila masabi kung hanggang kailan na walang audience sa kanilang programa araw-araw.

Live pa rin silang napapanood, kahit parang may kulang gawa ng walang interaction sa live audience.

Pero sabi ni Pauleen Luna, napapasaya nila ang kanilang nila sa studio.

"Para lang kaming naglalaro," sabi sa akin ni Pauleen.

JERRY OLEA

As of March 8, Sunday, sampu (10) ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Marso 9, Lunes, first death anniversary ni Chokoleit—24 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Gaya ng nasabi ko na, better safe than sorry. INGAT!

Continue reading below ↓

Kaya saludo tayo sa ginawang iyan ng Eat Bulaga. Nawa’y sumunod ang iba pang mga TV program na may audience.

Kinansela ng Black Sheep ang black-carpet premiere ng pelikulang Motel Acacia ngayong Lunes.

Sa Marso 11, Miyerkules, nakatakdang ipalabas ang nasabing movie na pinagbibidahan nina JC Santos at Agot Isidro.

Ipinagpaliban ng Marikina City ang Palarong Pambansa na gaganapin sana sa Mayo 1-9.

Kinansela ng Baguio City ang 25th Panagbenga flower festival na ang highlights ay nakatakda sana sa Marso 28 at 29.

Nagpakalat ng Pastoral Letter ang Archdiocese of Manila.

Ang mga pangunahing tagubilin sa mga simbahan:

"Suspend the practice of dipping of hands in the Holy Water Font or Stoup. Empty all Fonts and let the faithful be informed that such practice will be temporarily suspended.

"Holy water can be made available for people to take home or sprinkling of the Holy Water can be done before or after liturgical gatherings.

Continue reading below ↓

"Let containers of 70% Ethyl Alcohol be located at various entrance doors accessible to the public in our church institutions..."

Hinihintay pa natin ang pahayag ng festival director na si Brillante Mendoza kung tuloy ang Sinag Maynila 2020 sa Marso 17-24.

Mino-monitor din natin ang updates sa mga fiesta sa iba’t ibang lalawigan.

NOEL FERRER

Balita ko na ang Daang Dokyu ay maglalabas ng advisory tungkol sa postponement ng kanilang programa sa UP Film Center.

Panalangin nating hindi na lumala pa ang sitwasyon.

At sana, hindi ito palalain pa sa social media.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga at ibang showbiz-related events, nagpatupad ng precautionary measures upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results