Sinag Maynila 2020 postponed dahil sa COVID-19 outbreak

by PEP Troika
Mar 10, 2020

JERRY OLEA

Ipinagpaliban ng organizers ang Sinag Maynila 2020 indie filmfest, na gaganapin sana sa Marso 17-24.

Inihayag nila ito sa kanilang website at Facebook page nitong Marso 10, Martes ng hapon.

Iyong documentary tungkol kay Imelda Marcos na The Kingmaker (by Lauren Greenfield) ay ipapalabas sana sa Sinag Maynila 2020.

Mapapanood ito ng publiko sa piling sinehan umpisa Marso 25.

Bahagi ng kanilang press release, “Sinag Maynila’s distributor Solar Pictures would like to thank all of the festival’s sponsors and partners for supporting the decision to postpone the festival at this time.

“The company assures the participating filmmakers, film enthusiasts, Sinag Maynila followers, and the Filipino film community that the independent filmfest will definitely be held at a more opportune time.”

Nitong Martes ay naghimutok din sa Facebook si Direk Jay Altarejos kaugnay sa pelikula niyang Walang Kasarian Ang Digmaan na iniligwak ng Sinag Maynila.

Post ni Direk Jay: “WE HAVE BEEN CANCELLED AGAIN! #WalangKasarianangDigmangBayan is not showing this Friday the 13th in UP Cine Adarna!

Continue reading below ↓

“Due to the virus. Not because of some..

“But aren't they the same? #ResisttheVirus #ResistTyranny”

NOEL FERRER

Sayang nga.

Kasi, kung maayos lang nilang napag-usapan ang lahat, maihahabol pa rin sana ang pelikula ni Direk Jay sa new date ng Sinag Maynila 2020.

Pero baka mas mabibigyan ng chance ang pelikulang ito sa Pista Ng Pelikulang Pilipino na Marso 20 ang deadline, di ba?

Direk Jay can always try and challenge an establishment program.

In the meantime, kanino ang korona ng pagiging matatag at di natitinag?

Nasa BuDaKhel Live concert sa Resorts World, at kay Odette Quesada pa rin na subok na matatag at matibay, for now!

GORGY RULA

Sana makahanap sila ng mas magandang schedule kung itutuloy pa rin nila ngayong taon.

Hindi sana sumapaw sa Summer MMFF, pati sa Cinemalaya at Pista ng Pelikulang Pilipino.

Andiyan pa ang QCinema at Cinema One Originals.

At sa panahong natataranta na ang mga tao sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19, hindi na siguro mapag-uukulan ng pansin ang hinaing ni Direk Jay Altarejos sa pelikula niya.

Continue reading below ↓

Puwede namang ipalabas niya iyan sa ibang pagkakataon.

Kung gusto man niya sa commercial showing, kailangang idaan pa rin iyan sa proseso, gaya ng pagpapa-review sa MTRCB.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results