Ilang MNL48 members, hindi regular na natatanggap ang allowance?

by PEP Troika
Mar 11, 2020
Ilang unnamed MNL48 members, hindi umano makauwi ng probinsya dahil sa kawalan ng regular allowance mula September 2019.
PHOTO/S: @MNL48official Instagram

GORGY RULA

Aware ba kayo sa grupong MNL48 na nabuo sa It’s Showtime noong 2018?

Nakilala na rin itong all-female group na may 48 members. Naiimbitahan na sila sa events, at dumarami na ang kanilang supporters.

Ang ilan ay nakukuha na sa TV guestings at pelikula, na lalong nagpapalakas sa grupong ito.

Nagkainteres lang ako sa kanila ngayon dahil sa mga nakarating sa aking kuwento na ilang buwan na diumanong hindi nababayaran ang mga miyembro ng MNL48.

Lumalabas na may problema sila sa talent management na may hawak sa kanilang career.

Takot lang ang ilang miyembro na lumantad at magpa-interview, dahil baka ikatanggal pa nila sa grupo.

Baka lalo raw nilang hindi makuha ang perang dapat ay para sa kanila. Naipon na kasi nang naipon.

Ang iba ay ayaw pang lantarang maghayag ng kanilang hinaing dahil umaasa silang may magagawa pa ang kanilang management group sa career nila.

Nais pa rin daw kasi nilang matupad ang kanilang pangarap na makilala bilang magaling na performers.

Continue reading below ↓

ALLEGED IRREGULAR PAYMENT OF ALLOWANCE

Ayon sa nasagap naming kuwento mula sa ilang miyembro, na ayaw magpatukoy ng kanilang pangalan, ay PHP15,000 ang halaga ng kanilang monthly allowance.

Natatanggap daw nila ito mula sa kanilang management every payday.

Pero mula noong September 2019, hindi raw nila natatanggap nang buo ang allowance.

Para sa buwang iyon, humigit-kumulang PHP7,500 lamang, o kahalating buwang allowance, ang ibinigay sa kanilang halaga.

Nang sumunod na buwan, October 2019, pinagka-cash advance na lang daw sila.

Pagkatapos ay tuluyan nang hindi nasunod ang PHP15,000 na allowance na inaasahan ng MNL48 members kada buwan.

Minsan ay tig-PHP3,000 lang daw ang cash advance na ibinibigay sa kanila, kaya naipon nang naipon ang halagang hindi nila natatanggap.

Ang iba ay merong nakukuhang raket na guest appearances sa TV, at ang iba naman ay nakakaraket sa pelikula.

Kung anuman ang talent fee na nakukuha nila sa mga raket, automatic na may kaltas daw na 30% commission ang kanilang management.

Continue reading below ↓

Hindi raw sapat iyon sa mga pang-araw-araw nilang gastusin, lalo na’t minsan may events daw silang pinupuntahan para mag-perform, pero wala silang transportation at food allowance.

ph TALENT MANAGER RESPONDS

Hiningan ko ng reaksiyon si Gio Medina, ang manager ng MNL48, hinggil sa reklamo ng mga miyembro ng grupo.

Mariing pinabulaanan ni Medina ang paratang ng ilang hindi pinangalanang MNL48 members.

"2017 pa sila nagsimula na nabibigyan sila ng regular na monthly allowance, ngayon lang sila nagreklamo?" bulalas ni Medina.

Ipinaliwanag ni Medina na isang international management group na nakabase sa Japan ang bumuo ng all-female group na MNL48.

Ang 48 members ng MNL48 ay may iba't iba ring teams, na tila nahahati base sa kung sino ang frontliners at mga baguhan pa lang.

Makikita rin sa official website ng MNL48 na AKS ang pangalan ng Japanese talent management group na may hawak sa kanila.

Ang AKS ang bumuo sa all-female J-pop group na AK48, na nagkaroon ng counterparts sa iba’t ibang Asian countries gaya ng Thailand, Indonesia, at Taiwan.

Continue reading below ↓

"May pabahay sila, libreng training sila, workshop, pinadadamitan, libreng pagkain, pinapaaral pa ang iba, may sasakyan, may yaya, may bodyguard, saka allowance na PHP15,000 a month.

"Saan ka nakakakita ng ganoon?" saad ni Medina.

Dagdag ng talent manager, "Alam mo bang umabot na ng PHP200M ang nagastos sa kanila?

"Kasi, malaking kumpanya iyan ang nagha-handle sa kanila.

"Sa Japan iyan na ginu-groom sila nang husto. Inayos, may training, workshop... wala ka nang makikitang ganoon!"

MNL48'S PLEA

Pero sabi pa rin ng aming source na taga-MNL48, talagang kinakapos na umano sila dahil wala nang natatanggap na allowance mula sa management.

Kuwento pa ng mga ito, ang iba sa kanila ay hindi na raw nagdiwang ng Pasko sa kanilang pamilya sa probinsiya dahil nahihiya silang walang maiuwing pera.

Kaya sumama na lang daw sila sa ilang co-members na nakabase sa Manila.

Meron daw nanay ng isang member na nagreklamo at nag-ingay, kaya naibigay umano ng buo ang allowance nito.

Continue reading below ↓

Pero sa ilang mga miyembro na tahimik lang at nagtitiis pa rin hanggang ngayon, paano na?

Ayaw raw nilang umabot pa sa gulo ang kanilang hinaing.

Ang nais lang daw talaga nila ay maibigay ang allowance na para sa kanila.

JERRY OLEA

Nai-promote natin dito sa PEP Troika ang MNL48 First Generation: Living The Dream concert na ginanap noong Abril 6, 2019 sa New Frontier Theater ng Araneta City, Quezon City.

Ang MNL48 ay sister group ng AKB48 ng Japan.

Naka-breakthrough sila sa mga kantang "Aitakatta—Gustong Makita," "Talulot ng Sakura," at "Pag-ibig Fortune Cookie."

Nakakalungkot ang mga sitsit na lumulutang kaugnay sa kalagayan ng ibang members ng grupo.

Maraming fans ang MNL48, hindi lang Pinoy, kundi maging foreigners na dumayo sa bansa para manood ng Living The Dream concert.

Ayon sa source ng PEP Troika, idinadaan sa mga boto ng fans ang maiiwan sa grupo.

Dagdag ng source, "May proseso kung saan kumikita ang management sa boto ng fans. Walang nakukuha riyan ang mga bata.

Continue reading below ↓

"Meron silang pa-games online kung saan nakaka-earn din ng points sa bawat member mula sa kanilang mga fans. Wala rin silang nakukuha riyan.

"Dapat ipaliwanag iyan ng manager kung paano at bakit wala man lang percentage diyan ang bawat member ng grupo.

"Meron pang ibinabahay nga, pero hindi maganda ang kalagayan nila sa dorm na tinuluyan nila.

"May isang room na 10 hanggang 16 members ang nakasiksik. Kaya ang iba, nag-rent na lang ng bahay para share-share sila pambayad ng expenses.

"Pero paano nila mabayaran ang renta kung hindi na sila nabibigyan ng allowance?"

NOEL FERRER

Naku, ang daming dapat linawin at ayusin tungkol sa sinapit ng grupong ito!

Walang kahihinatnan ito kung walang maglalakas-loob na i-identify ang sarili at ipaglaban ang kanilang karapatan nang harapan sa proper forum.

Pati ang issues sa allowances at living conditions, dapat lang na mabigyang linaw.

Pero kailangan may transparency, kasi nabuo at sumikat sila sa mata ng publiko.

Continue reading below ↓

Kailangan may lakas din sila ng loob para tumindig sa pagbabagong gusto nila.

Kung hindi, baka manahimik na lang sila tulad ng karamihan kapag sinabi na ang solusyon at tulong sa mga tao sa medical emergency na COVID 19 ay... BIGAS!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang unnamed MNL48 members, hindi umano makauwi ng probinsya dahil sa kawalan ng regular allowance mula September 2019.
PHOTO/S: @MNL48official Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results