Motel Acacia at Hindi Tayo Pwede, naapektuhan ang kita dahil sa COVID-19 outbreak

by PEP Troika
Mar 12, 2020
Motel Acacia ni JC Santos (left) at Hindi Tayo Pwede nina Lovi Poe at Tony Labrusca (right), apektado ng COVID-19 outbreak. 1st Summer MMFF sa Abril, abutin kaya ng social distancing guideline para makaiwas sa virus?
PHOTO/S: Motel Acacia / Hindi Tayo Pwede trailer

JERRY OLEA

Walang pasok ang mga estudyante sa Metro Manila ngayong linggo, at dini-discourage silang mag-mall.

Nitong Marso 9-11, Lunes hanggang Miyerkules, pila-pila ang mga tao sa mga grocery at supermarket.

Kinansela ang black-carpet premiere ng pelikulang Motel Acacia noong Lunes, March 9; pero natuloy ang showing nitong Miyerkules, March 11.

Tweet ng Black Sheep, nag-open sa 160+ sinehan nationwide ang nasabing movie nina JC Santos at Agot Isidro.

On its second week ay showing pa sa 136 sinehan nationwide ang Viva movie na Hindi Tayo Pwede, starring Lovi Poe, Marco Gumabao, at Tony Labrusca.

Promo nang promo pa rin ang Viva para sa pelikulang Sana All, starring Meg Imperial and Arvic Tan, na nakatakdang ipalabas sa Marso 25.

NOEL FERRER

"Negligible dahil halos walang tao sa mall," sagot sa akin ng ating reliable source tungkol sa box-office result ng Motel Acacia, ang pelikula ng mga kaklase ko sa Ricky Lee workshop na sina Bradley at Bianca Balbuena Liew.

Continue reading below ↓

Yung Hindi Tayo Puwede, na fairly okay na sana noong nagbukas, ay tinamaan din ng virus scare kaya ispageting pababa na ang kita sa box office.

Pati ang BuDaKhel (Bugoy Drilon-Daryl Ong-Michael Pangilinan) concert ay cancelled na muna.

Pati PBA games. Pati Band’s Visit ng Atlantis.

Abangan pa natin ang succeeding announcements. Samantala, ingat-ingat tayong lahat!!!

GORGY RULA

Nag-ikot ako sa Trinoma Mall sa Quezon City kahapon, Marso 11, mangilan-mangilan lang talaga ang mga taong umiikot.

Pinanood namin ang Hindi Tayo Puwede, wala pa kaming 15 sa loob ng sinehan, at hindi ka na magtataka dahil lahat ng mga sinehan ay wala gaanong nanonood.

Sayang dahil okay naman sana ang pelikula, at magagaling ang tatlong bida, lalo na si Lovi Poe.

Pero tinamaan nga ng COVID-19 scare, kaya sayang talaga.

Ganoon din ang nangyayari sa mga bagong pelikulang ipinalabas kahapon. Nakausap namin ang mga takilyera roon at talagang dumadaing sila dahil wala raw bumibili ng ticket.

Continue reading below ↓

Pati ang ilang snack bars katabi ng sinehan ay nagsara na sila ng 9 p.m. Ramdam mo talaga ang takot ng mga taong lumabas.

Sa labas ng mall, ang haba ng pila ng mga taxi na naghihintay ng pasahero, pero waley!

Ayon sa ilang sources na napagtanungan namin, ang tantiya nila ay halos naka-PHP700,000 lang ang first-day earnings ng Motel Acacia.

Kung ipinalabas nga ito sa mahigit 160 theaters, mahigit 4 thousand pesos lang ang benta ng bawat sinehan.

Paano pag lumobo ang kaso ng mga positibo sa COVID-19? Paano na ang mga susunod pang mga pelikulang ipalalabas?

Sana, humupa na ito, at hindi na abutin ang 1st Summer Metro Manila Film Festival sa Abril.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Motel Acacia ni JC Santos (left) at Hindi Tayo Pwede nina Lovi Poe at Tony Labrusca (right), apektado ng COVID-19 outbreak. 1st Summer MMFF sa Abril, abutin kaya ng social distancing guideline para makaiwas sa virus?
PHOTO/S: Motel Acacia / Hindi Tayo Pwede trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results