Senator Manny at Jinkee Pacquiao, itinangging positibo sa COVID-19 si Mommy Dionisia

by PEP Troika
Mar 12, 2020
Senator Manny at Jinkee Pacquiao (kaliwa), sinigurong walang COVID-19 ang 70-anyos na si Mommy Dionisia (kanan, naka-red), na nakabase sa GenSan.
PHOTO/S: @mannypacquiao Instagram / Simply Jinkee Youtube

GORGY RULA

Tahasang itinanggi ng mag-asawang Senador Manny at Jinkee Pacquiao ang balitang positibo sa coronavirus ang 70-anyos na ina ng boxing champ, si Mommy Dionisia.

Ang kanilang pahayag nitong Marso 12, Huwebes: "In behalf of the whole Pacquiao family, we would like to assure the public that Mommy Dionisia is in good shape, she is very much healthy.

"We are very grateful to those who expressed their concerns for Mommy D. Maraming salamat po sa pagmamahal. God bless you and please continue to pray for our country.

"May we all get through this together. Let us please pray for those who are infected by the Covid 19 virus and their family.

"To those who are spreading lies and fake news, we will pray for you. God Bless us all. God bless the Philippines."

JERRY OLEA

Kaalinsabay ng pagkalat ng coronavirus ang “infodemic” ng mga tsismis at misinformation.

Umariba pa ang computer virus sa Facebook at ilang kaibigan ko ang nag-post ng fake news na kesyo natigok na si Bamboo Mañalac.

Continue reading below ↓

Last year pa “pinatay” online si Bamboo sa ganyang hoax, pero nag-resurface itong muli.

Paliwanag ng isang nag-post sa FB: "I didn't share it intentionally. Binuksan ko lang iyung item, automatically eh lumabas siya sa wall ko, tapos, na-share ko na.

"Nagulat nga ako. Bine-verify ko pa lang sa YouTube, tapos, may share na. Nakakaloka!!!

"Nabiktima lang ako! Next time, hindi na ako talaga basta-basta magki-click ng kung anu-ano sa FB. Nakakadala!"

Himutok tuloy ng isang mutual friend namin, "Kumakalat na talaga ang katangahan virus!"

NOEL FERRER

Maging ligtas nawa ang lahat.

At heto ang mga paalala sa amin ng isang kasamahan mula sa gobyerno:

"To be able to avert and control the spread of the virus, we are enjoining everyone to cooperate.

"We will be entering a WHOLE OF NATION approach mode to mitigate this medical concern.

"First and foremost: Do not panic. Look after your family members and ensure everyone is safe and healthy.

Continue reading below ↓

"Stay home. Going to places should be done only when essential and necessary.

"God bless to us all."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny at Jinkee Pacquiao (kaliwa), sinigurong walang COVID-19 ang 70-anyos na si Mommy Dionisia (kanan, naka-red), na nakabase sa GenSan.
PHOTO/S: @mannypacquiao Instagram / Simply Jinkee Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results