1st Summer MMFF at iba pang film festivals, hindi nakaligtas sa epekto ng COVID-19

by PEP Troika
Mar 13, 2020
Ang walong kalahok ng 1st Summer MMFF: A Hard Day ni Dingdong Dantes; Isa Pang Bahaghari ni Nora Aunor; Tagpuan nina Iza Calzado, Alfred Vargas, at Shaina Magdayao; Coming Home ni Jinggoy Estrada; The Missing ni Joseph Marco; Love or Money nina Angelica Panganiban at Coco Martin; Love The Way You Lie nina Kylie Verzosa, Xian Lim, at Alex Gonzaga; at Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
PHOTO/S: 1st Summer MMFF entries

NOEL FERRER

Pagkatapos ng ginawang public announcement ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa community quarantine sa Metro Manila nitong Marso 12, Huwebes ng gabi, agad na nagdesisyon ang pamunuan ng Metro Manila Film Festival Executive Committee tungkol sa 1st Summer MMFF.

Heto ang bagong pahayag mula sa amin sa MMFF ExeComm:

"In light of the worldwide COVID-19 pandemic and health emergency, the SUMMER METRO MANILA FILM FESTIVAL is hereby postponed.

"We’ll keep you posted for more updates in coming days. Thank you!"

JERRY OLEA

Mabuti at mabilis na nagpasya ang kinauukulan kaugnay sa 1st Summer MMFF na gaganapin sana sa Abril 11-21.

Ito ay tugon at tulong ng MMFF ExeComm sa panawagan ni Pangulong Duterte kaugnay sa banta ng COVID-19 sa buong bansa.

Ayon sa source ng PEP Troika, "Pag-uusapan na lang next week ng concerned parties kung kailan ire-reset ang 1st Summer MMFF."

GORGY RULA

Nakikini-kinita kong buong taong magdudusa ang movie industry.

Continue reading below ↓

Walang makapagsasabi sa ngayon kung kailan ito makakabawi.

Bukod sa mga na-cancel na filmfests, may mga naka-schedule pang iba gaya ng Cinemalaya, PPP, Cinema One Originals, QCinema at iba pang indie film fests.

Anong aksiyon kaya ang gagawin ng Film Development Council of the Philippines ukol dito?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang walong kalahok ng 1st Summer MMFF: A Hard Day ni Dingdong Dantes; Isa Pang Bahaghari ni Nora Aunor; Tagpuan nina Iza Calzado, Alfred Vargas, at Shaina Magdayao; Coming Home ni Jinggoy Estrada; The Missing ni Joseph Marco; Love or Money nina Angelica Panganiban at Coco Martin; Love The Way You Lie nina Kylie Verzosa, Xian Lim, at Alex Gonzaga; at Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
PHOTO/S: 1st Summer MMFF entries
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results