Anibersaryo nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, apektado rin ng COVID-19 scare

by PEP Troika
Mar 15, 2020
"Anniversary lockdown" ang celebration na ginawa nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez para makaiwas sa COVID-19.
PHOTO/S: @glydelmercado instagram

GORGY RULA

“Anniversary lockdown” ang tawag ni Glydel Mercado sa 16th wedding anniversary nila ni Tonton Gutierrez ngayong araw, Marso, Linggo.

Post ni Glydel sa kanyang Instagram account, “Happy anniversary babe!!!Waaahh! Di tayo makalabas (cry at laugh emoji) Love you!!! (3 hearts emoji)”

Madalas kasi kapag anibersaryo ng mag-asawa, nagbabakasyon sila kasama ang dalawang anak na sina Aneeza at Aneeka out of town o sa ibang bansa.

Continue reading below ↓

Pero dahil sa takot sa COVID-19 at sa ipinapatupad na community quarantine, sa bahay na lamang sila.

Kaya “anniversary lockdown” ang celebration nila. Hindi rin kasi tiyak ng mag-asawa kung may nakasalamuha sila sa labas na maaring nahawa ng COVID-19 kaya nag-iingat din daw sila bahay.

Kaya nag-exchange of gifts daw sila sa kanilang anibersaryo ng face mask at alcohol, at 1 meter daw muna ang distansya nila sa isa’t isa.

Pati ang mga intimate moments nilang dalawa ay iwas daw muna para maging safe lang pati na rin ang kanilang mga anak at mga kasama sa bahay.

“For safety purposes na rin hahaha,” dagdag na text sa akin ni Glydel.

Kahit kakaiba ang celebration ng kanilang wedding anniversary, binabati pa rin natin ang mag-asawang Tonton at Glydel ng Happy anniversary!!!

JERRY OLEA

Walang anniversary dyug?!

Gaya ng nasabi na natin, better safe than sorry!

Maraming ibang paraan para ipadama ang init ng pag-ibig nila sa isa’t isa!

Continue reading below ↓

Wish natin kina Tonton at Glydel, more wedding anniversaries to come!!!

To come talaga, ha?!

NOEL FERRER

Walang ipinag-iba iyan kina Richard Gutierrez at Sarah Labhati na natuloy ang wedding nitong Marso 14, Sabado.

Habang lahat tayo ay sumusunod sa mga policy ng gobyerno sa “community quarantine,” nakakainggit lang ang nakikita nating kalmado at pro-active na stand ng ibang bansa.

Meron silang mga rent reprieve at diretsong tulong sa freelance workers na walang trabaho, na sana’y gawin din sa ating bansa.

Kung sa curfew policy nga lang, iba-iba ang sinasabi ng mga kinauukulan. Sana, tumulad na lang sila kina Glydel at Tonton, o Richard at Sarah na kapag sinabing I DO ay pangangatawanan talaga! Sana!!!

At ipinilit kong makunek-kunek ang lahat talaga!

Epekto na yata ito ng boringga virus! LOL

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Anniversary lockdown" ang celebration na ginawa nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez para makaiwas sa COVID-19.
PHOTO/S: @glydelmercado instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results