Direk Joel Lamangan, nagulat nang maubos pati gawgaw sa grocery

by PEP Troika
Mar 15, 2020
“Bakit kaya? Bakit walang gawgaw? Bakit naubos na? Lahat ng tao ba, mag-aalmirol?” tanong ni Joel Lamangan nang makitang naubos na ang gawgaw sa regular na bilihan niya.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Day 1 pa lang ng community quarantine sa NCR nitong Marso 15, Linggo, nakaramdam na ng pagkainip si Direk Joel Lamangan na kalapit-barangay namin sa Makati City.

“Paggising ko kaninang umaga, nakaramdam ako ng anxiety,” pag-amin ni Direk Joel nang makahuntahan namin nitong Linggo nang hapon.

“For the first time in my life, wala akong gagawin. Wala akong trabaho. Hindi pa iyon nangyari sa buong buhay ko.

“May susulatin akong script, kaya lang, ayoko munang simulan. Baka bukas, tapos ko na.”

May group chat si Direk Joel kung saan nagtatalastasan sila ng mga kapwa direktor. Ang tawag sa grupo nila ay Dalagitas.

Sabi niya, “Tinanong nila ako kung ano ang gagawin ko today. Sabi ko, WALA! Sabi ng mga dalagita, sila rin, wala rin silang gagawin!”

Buti na lang, naalala ni Direk Joel na dapat na pala siyang mag-grocery.

“Hindi ako nag-panic buying. Naggo-grocery talaga every other week sa Cash n’ Carry,” paglilinaw ng premyadong direktor.

Continue reading below ↓

Hindi na nagulat si Direk Joel na nagkaubusan doon ng alcohol.

Pagpapatuloy ng beteranong direktor, “Ubos din ang Delimondo na corned beef. Meron pa namang toilet paper. Ang nalokah ako, walang gawgaw. Ubos ang gawgaw!

“Bumibili ako ng gawgaw para sa polo ko, lalagyan ng gawgaw para matigas ang collar. Inaalmirol.

“Lumaki ako sa almirol. Yung lola ko, inaalmirol lahat ng polo ko. Yung mga napkin sa mesa, nakaalmirol iyon.

“Pag meron akong guests, pinaaalmirol ko yung mga napkin. Wawalu-walo lang ang mga iyon, inaalmirol na ganyan para tumayo. Tsuk!

“Bilin ng katulong kaninang paalis ako, ‘Wala na pong almirol! Wala na pong gawgaw!’

“Kaya pagdating ko sa Cash n’ Carry, nalokah ako. ‘Bakit wala nang gawgaw? Bakit naubos ang gawgaw?’

“Bakit kaya? Bakit walang gawgaw? Bakit naubos na? Lahat ng tao ba, mag-aalmirol?”

Inalo namin si Direk na dahil sa community quarantine ay hindi naman niya kailangang magpaalmirol ng mga polo at napkin.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Bukod sa nawawalang gawgaw at alcohol, meron pang isang tumaas ang presyo at nagkaubusan din bago nagsara ang mga grocery nitong Linggo.

Ito ay ang source of potassium—ang saging!

Nang sabihin sa posts na ito na nakakapagpa-boost ng ating immune system, biglang nagkaubusan daw ng saging.

I’m sure, paborito rin iyan ng iginagalang nating direktor na si Joel Lamangan at iba pang kasapi ng grupo nilang Dalagitas.

GORGY RULA

Kahit dumalaw sa bahay at magtsikahan ay ipinagbabawal na sana, pero welcome na welcome si Direk Joel nang kumatok sa bahay namin para makipagkuwentuhan.

Iyon nga lang, magkakalayo kami at wala na munang beso-beso.

Nakakatuwang kausap si Direk Joel, kaya gusto namin siyang ka-bonding lalo na sa panahon ngayon.

Sana, huwag nang lumawig pa itong community quarantine, at tama na ang isang buwang ma-lockdown sa loob ng bahay at limitado ang paglalabas.

Sa ganitong pagkakataon, nagkakaroon tayo ng panahon sa ating mga mahal sa buhay na bibihira lang natin makakasama nang matagal-tagal dahil sa abala sa trabaho at hindi nagtutugma ang schedule.

Continue reading below ↓

I-practice sana natin ang pagdarasal ng Oracio Imperata tuwing kumalembang ang kampana nang alas-dose ng tanghali, at alas-otso ng gabi.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Bakit kaya? Bakit walang gawgaw? Bakit naubos na? Lahat ng tao ba, mag-aalmirol?” tanong ni Joel Lamangan nang makitang naubos na ang gawgaw sa regular na bilihan niya.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results