Biopics tampok ang mga pulitiko, paghahanda sa 2022 elections?

by PEP Troika
Mar 16, 2020
Dalawang taon bago ang eleksyon sa 2022, ang mga pulitikong kagaya nina (L-R) Senator Manny Pacquiao, Mayor Sara Duterte, at Governor Daniel Fernando ang magbibida sa biopics o di kaya'y magiging subject ng biopics sa ilang pinaplanong proyekto.
PHOTO/S: Instagram / Facebookk

JERRY OLEA

Bida sa biopic na Malvar ang boxer-actor-politician na si Senador Manny Pacquiao.

P100M daw ang production budget ng pelikula, na ilalahok sa 46th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.

Ayon sa Wikipedia, co-stars dito ni Pacman ang kapwa actor-politicians na sina Manila City Mayor Isko Moreno bilang Andres Bonifacio, dating Laguna Governor E. R. Ejercito bilang Emilio Aguinaldo, at Bulacan Governor Daniel Fernando bilang Emilio Jacinto.

Ang direktor ay si Jose “Kaka” Balagtas.

Siyempre, dahil sa COVID-19 ay tigil-shooting muna ang biopic ni Hen. Miguel Malvar.

Nitong Marso 11, Miyerkules, nag-post si Madam Baby F. Go sa Facebook ng pictures nila ni Governor Daniel Fernando.

Bali-balitang ipoprodyus ng BG Films ni Madam Baby Go ang makasaysayang Battle of Quingua na naganap noong Abril 23, 1989 na kasagsagan ng Philippine-American War (1899-1902).

Ang Quingua ay Plaridel, Bulacan na ngayon.

Ang ganda-ganda ng lumang simbahan doon na naging location ng mga Kapuso fantaseryeng Darna (2009), Zaido (2007), at Iglot (2012), maging ng mga panghapong teledrama na Nita Negrita (2011) at Broken Vow (2012).

Continue reading below ↓

Nagsyuting din doon ang pelikulang Hating Kapatid (2012) nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.

If ever, gagampanan ba ni Governor Daniel sa Battle of Quingua ang karakter ni Lt. Colonel Pablo Tecson?

Merong producer na gusto ring magprodyus ng biopic para sana sa MMFF—Inday Sara, ang life story ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon sa source ng PEP Troika, tatlong premyadong aktres ang pinagpipilian para magbida rito.

Sa kanilang tatlo, ang bet ng marami ay si Bea Alonzo.

Agree ba kayo na si Bea ang best choice para pumapel na Sara Duterte?

NOEL FERRER

Mukhang sa naunang lineup na iyan, hindi franchise movies ang magdo-dominate kung saka-sakali sa December MMFF kundi itong biopics.

Bakit kaya, may kinalaman kaya ito sa pagtakbo nila sa mas mataas na posisyon kaya aagahan na nila ang paggawa ng pelikula base sa kanilang buhay?

Para hindi ito maging matulad ng 2019 biopic na Bato (The Gen. Ronald de la Rosa Story) na hinabol talaga ang COMELEC ban sa mga kakandidato sa National Elections?

Continue reading below ↓

So, good luck sa mga pelikula.

Sana naman, umabot ang mga lahok nila sa kalidad na itinala ng entries ng 1st Summer MMFF.

GORGY RULA

Nakatsikahan namin si Madam Baby Go ng BG Films International sa aming radio program sa DZRH noong nakaraang linggo.

Sinabi niyang meron silang pinaghahandaang malaking film project na hindi muna raw niya puwedeng sabihin.

Pinapahupa lang daw nila itong COVID-19, at gusto raw niyang maging active uli sa paggawa ng pelikula ang kanyang film production.

Kung matutuloy ang binabalak na project ng mga pulitikong ito, obvious na paghahanda na ito sa kung ano mang balak nila sa taong 2022.

Medyo naintriga lang ako rito kay Mayor Inday Sara Duterte dahil matagal nang lumulutang ang pangalan niya para sa 2022.

Naku po! Iyon lang muna ang masasabi ko.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang taon bago ang eleksyon sa 2022, ang mga pulitikong kagaya nina (L-R) Senator Manny Pacquiao, Mayor Sara Duterte, at Governor Daniel Fernando ang magbibida sa biopics o di kaya'y magiging subject ng biopics sa ilang pinaplanong proyekto.
PHOTO/S: Instagram / Facebookk
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results