Hollywood films, postponed ang playdates dahil sa temporary closure ng 1,200 cinemas sa U.S.

by PEP Troika
Mar 18, 2020
Hollywood films na No Time To Die ni Daniel Craig, Mulan ni Liu Yifei, at Black Widow ni Scarlett Johansson, nilipat ang playdates dahil sa COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: No Time To Die / Mulan / Black Widow trailers

JERRY OLEA

Apektado maging ang movie industry sa Amerika dahil sa paglaganap ng COVID-19.

Ayon sa Box Office Mojo, sarado na ang mahigit 1,200 sinehan ng dalawang theater chain sa USA sa loob ng anim hanggang 12 linggo, simula Marso 17, Martes.

Siyempre pa, may domino effect ito, kaya ipinagpaliban ng lahat ng major distributors ang playdates ng inaabangang Hollywood movies.

Naunang nagbago ng playdate ang bagong James Bond movie na No Time To Die. Mula Abril 10, inilipat ito sa playdate na Nobyembre 8.

Mistulang tidal wave na sunud-sunod na nag-announce na postponed playdates ang mga pelikulang A Quiet Place Part II, Mulan, The New Mutants, Antlers, at Black Widow.

Gayun din ang Peter Rabbit 2, The Personal History of David Copperfield, at The Woman in the Window.

NOEL FERRER

Si Moira ang kakanta ng "Reflection" para sa promo ng pelikulang Mulan sa bansa.

Siyempre, postponed muna iyan dahil sarado ang mga sinehan sa NCR (National Capital Region), pati na rin sa mga lalawigan.

Continue reading below ↓

Sa gitna ng mandatory home quarantine at work suspension, kapuri-puri rin talaga ang hakbang ng ibang companies na ibigay ang suweldo ng kanilang mga trabahador.

Kabilang dito ang ABS-CBN na nagsabing patuloy na ibibigay ang suweldo at benefits ng kanilang talents, contractual workers, at freelancers.

Ano na kaya ang hakbang ng GMA-7 ukol sa enhanced community quarantine?

GORGY RULA

Inaasahan na iyan, dahil buong mundo na itong pandemic na hinaharap natin.

Halos lahat ng nakakausap ko ay wala nang ibang sinasabi kundi magdasal na lang talaga dahil hindi na natin maku-control itong pagkalat ng nakakamatay na virus.

Pagdating sa tinatanong mo, Sir Noel, sa suweldo ng mga taga-GMA 7, ipinangako nilang may matatanggap ang employees, artists, talents, at taga-produksyon hanggang sa buwan ng Abril.

Narito ang kabuuan na nakuha kong statement mula sa Kapuso network:

“Our artists and productions teams who have been taping for our shows will continue to receive their talent fees until the second week of April as scheduled, since we have produced in advance.

Continue reading below ↓

“With the COVID-19 situation, we are after not only the safety and well-being of our artists, talents, and employees but also the economic impact this will have on our production staff and crew as well as their families.”

Bukod pa riyan, may hazard pay rin daw ang mga empleyadong pumapasok during enhanced community quarantine.

At dagdag pa raw ang encashment ng monthly rice benefit.

JERRY OLEA

Dahil sa buong Luzon na ipinatutupad ang Stringent Social Distancing Measures, naglabas ng bagong memo ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) nitong Marso 17, Martes.

Naka-address ito para sa audio-visual industry.

SUSPENDED ang lahat ng productions at events sa pelikula, TV programs, at iba pang audio-visual medium sa buon Luzon.

Ayon sa memo, "Companies, establishments, and organizations in the audio-visual industry, from pre to post-production and film exhibition must close their offices and adopt work from home arrangements for workers."

Exempted dito ang media outlets na nagsasagawa ng news coverage. Pero kailangang ay skeletal work force lamang ang papasok sa trabaho.

Continue reading below ↓

Kinakailangan ding sundin ang istriktong social distancing measures para maiwasan ang pagkalat ng virus.

"The FDCP is adopting a work from home setup for all its employees.

"Hence, the FDCP Office will be closed and will not receive documents until further notice," sabi pa sa memo, na pirmado ni FDCP Chairperson Mary Liza Diño.

"All transactions and communication shall be taken online.

"Failure to abide by these set guidelines and those announced by the national government shall be subjected to appropriate action, including criminal, in accordance with relevant laws and regulations."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hollywood films na No Time To Die ni Daniel Craig, Mulan ni Liu Yifei, at Black Widow ni Scarlett Johansson, nilipat ang playdates dahil sa COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: No Time To Die / Mulan / Black Widow trailers
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results