Angelica Panganiban at Martin Nievera, nagpapakuwela pa rin kahit naka-quarantine

by PEP Troika
Mar 19, 2020
Kung si Maestro Ryan Cayabyab (kaliwa) ay pangungunahan ang isang concert series sa Facebook, sina Angelica Panganiban (gitna) at Martin Nievera (kanan) ay nag-post ng nakatutuwang videos habang naka-quarantine sila.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

NOEL FERRER

Parami nang parami ang nagiging active sa social media para maging daan ng pamamahayag kahit may pandemic.

Tayo mismo, instead of my usual radio program sa Radyo Katipunan at TeleRadyo Inquirer, I shall be airing from home this weekend sa Level Up.

Pero heto ang bago, ang matatawag nating Love (for Music and for Country) in time of CoVid19.

A brainchild of National Artist & Ramon Magsaysay Awardee Ryan Cayabyab, this free concert series on FB Live will feature the best Filipino contemporary, folk, musical theater & classical performers serenading & regaling you with their vocal & musical artistry, from their quarantined homes to yours.

This will raise funds for our Filipino brothers & sisters rendered most vulnerable by this unprecedented health crisis.

Let’s all have a watch party every 8:00 PM on FB live on his main page, and on each performing artist’s page, beginning March 23. (But I think there will be previews na nagsimula kagabi.)

Continue reading below ↓

Kasama sa magpa-participate so far ay sina Lea Salonga, Martin Nievera, Jed Madela, Nyoy Volante, Arman Ferrer, Tim Pavino, Cherie Gil, Agot Isidro, Mrak Bautista, Menchu at Raymond Lauchengco, Odette Quesada, at marami pang iba.

We’ll update you with the list as soon as ma-finalize.

Sa panahon ng krisis, tumitingkad ang pagkamalikhain at makatao ng mga Pilipino!

JERRY OLEA

Naaliw ako sa video ni Martin Nievera kung saan nananawagan siya sa mga taong manatili sa kani-kanyang tahanan.

To stress his point, mahigpit na nakatali sa upuan si Martin — walang choice but to stay home.

Continue reading below ↓

Natawa rin ako sa meme na pinost ni Bayang Barrios sa FB: “Bagong virus na nag-umpisa nang tumama sa mga musicians at entertainers #NoGig-20”

Patawa lang iyon ni Bayang, na kilala natin bilang isang mang-aawit na lubos ang pagmamahal at pagmamalasakit sa ating bayan at kapwa mga Pilipino.

Si 2LT Ronnie Liang (RES), tumugon sa Call of Duty bilang reservist ng Army.

“I want to help & contribute and be part of the solution,” post ni Ronnie sa FB nitong Marso 18, Huwebes ng gabi.

“Transporting stranded commuters and medical personnel in Metro Manila amid the community quarantine due to #COVID19 #armycares Philippine Army Armed Forces of the Philippines Armor Pambato Division”

Continue reading below ↓

At any rate, kabilang sa Pinoy artists na nag-post ng kanta sa FB ay sina Jamie Rivera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Gary V.—ibang-iba sa nagtutungayaw na hanash ng yayamaning vlogger/influencer na si Cat Arambulo.

Sa ganitong panahon, natatanto kung sino ang mapagkumbaba at kung sino ang palalo.

GORGY RULA

Kahit saang platform, lumalabas ang pagiging creative ng Pinoy artists.

Bukod pa riyan, at least, makakapag-ayos sila dahil ilang araw na silang nasa bahay lang at hindi na nasayaran ng make-up ang mukha nila.

Nami-miss na rin ng mga paborito nating celebrities ang mag-ayos at mapapanood natin sila sa online concert nilang ito.

Aliw na aliw ako sa post ni Angelica Panganiban sa Instagram.

Obvious na bored na bored na siya sa panlimang araw ng community quarantine.

Kasama niya si Ketchup Eusebio sa video na iyon. Lumabas ng pinto si Angelica na nakaayos.

Tinanong siya ni Ketchup kung may lakad siya.

Continue reading below ↓

“Magluluto ako ng tilapia!” natatawang sagot ni Angelica.

Sa isang video naman ay lumabas si Ketchup na naka-vest at pagkatapos ay inilabas ang naka-freeze na isda at ipapaluto na raw sa kanilang katiwala na si Marietta—na si Angelica ang tinutukoy niya.

“Mabuting iprito mo na ang mga isda, at ipa-park ko pa ang yate,” hirit ni Ketchup habang tawang-tawa si Angelica.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung si Maestro Ryan Cayabyab (kaliwa) ay pangungunahan ang isang concert series sa Facebook, sina Angelica Panganiban (gitna) at Martin Nievera (kanan) ay nag-post ng nakatutuwang videos habang naka-quarantine sila.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results