Veteran actor Menggie Cobarrubias, pumanaw sa edad na 66

by PEP Troika
Mar 26, 2020
Veteran theater/film/television actor Menggie Cobarrubias passed away Thursday morning, March 26, at the age of 66.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Tapos na ang paghihintay ni Menggie Cobarrubias sa dapithapon.

Marso 25, Miyerkules nang 12:01 a.m., nag-text ang beteranong aktor sa kaibigang beteranong direktor na si Armand Reyes.

Mensahe ni Menggie: “Now confined at ER. Asian Hospital as PUI.”

Palabiro si Menggie kaya inusisa ni Direk Armand kung seryoso ito.

Tugon ni Menggie, “Yes, fever since friday march 20.”

Nataranta ang mga kaibigan ni Menggie nang mag-shout out ito sa Facebook nitong Marso 25, Miyerkules ng 9:26 p.m.

Maikling mensahe niya: “Good bye.”


Pumanaw na si Menggie. Siya ay 66 taong gulang.

Marso 26 ng umaga, Huwebes, nag-post sa Facebook ang asawa ni Menggie na si Gina Jorge Cobarrbias.

“Goodbye my love. Thank you for the 30 wonderful years. I love you. Dear God please give me the strength to be able to face this very difficult moment of my life.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa actress-singer na si Agot Isidro, namatay si Menggie dahil sa COVID-19.

Best supporting actor si Menggie sa Gawad Urian para sa pelikulang Jaguar (1979), na pinagbidahan ni Phillip Salvador at idinirek ni Lino Brocka.

Best actor siya sa QCinema international filmfest para sa Mauban: Ang Resiko (2014), sa direksiyon ni Lem Llorca.

Bida rin si Menggie sa Cinemalaya entry na Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon (2018), kasama sina Perla Bautista at Dante Rivera, sa direksiyon ni Carlo Enciso Catu.

Ang nasabing pelikula ang pinakagusto ko sa Cinemalaya 2018, kaya masaya ako na nagwagi itong best picture, best screenplay, best production design, best cinematography, at Netpac Prize.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mengie Cobarrubias (right) with Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon co-stars Perla Bautista and Dante Rivero.

NOEL FERRER

HEARTBREAKING.

The day during the announcement of the Enhanced Community Quarantine, Tito Menggie reached out to me.

He even said that after we’ve conquered the Corona Virus, he’d treat me to Casa Renato—a stone’s throw away from where we get our Bataan Pianono.

Sobrang nagulat ako nang mag-"GOOD BYE" siya sa FB kagabi.

Minessage ko agad siya. Kasi, usually, sumasagot siya sa akin.

Nag-alala ako.

Hanggang sa huntahan namin sa radyo ni Tito Gorgy, concerned na kami ni Tito Jerry sa balita ukol kay Tito Menggie.

Hanggang ito na nga... Hayyyy...

MY CONDOLENCES, TITO MENGGIE.

A well-respected, award-winning actor. A decent and a very concerned and loving colleague and friend.

MARAMING SALAMAT, SIR!!! #RIPTitoMenggie #GodPleaseQuotaNa

GORGY RULA

Si Direk Armand Reyes ang isa sa naging malapit na kaibigan ng 66-anyos na si Sir Menggie.

“Palabiro si Menggie. Sa shooting ng Hermano Pule at Moonlight Over Baler, na magkasunod niyang ginawa sa T-Rex, bumabangka siya lagi sa mga biruan,” kuwento ni Direk Armand.

“Very generous iyan sa akin. Lagi kaming nagkukuwentuhan.

"Pag alam niyang walang-wala ako, at nagkita kami sa anumang showbiz function, like sa FDCP, meron siyang pakimkim.

“Paborito siya ni Direk Adolf Alix Jr.

"Mahusay na, tapos walang isyu sa talent fee.

"Lagi siyang available. Magaling makisama.

“Proud siya sa iWant digital series na Bagman 2.

"Sabi niya sa akin, ‘Panoorin mo ‘yan! Maganda ang role ko diyan!’

“Batang UP si Menggie. Member ng APO.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Miyerkules ng madaling-araw ay nagpadala ni Sir Menggie ng mensahe kay Direk Armand na nasa Emergency Room siya ng Asian Hospital.

Sinabi lang daw niyang PUI siya.

Pero kinagabihan ay nag-post na ito ng “Good bye” sa Facebook.

Kaya nataranta na ang mga kaibigan niya sa showbiz, lalo na ang pinsan niyang si Direk Joel Cobarrubias Lamangan.

Pati si FDCP Chairperson Liza Diño ay hindi na rin nakatulog sa kaiisip dito sa pinagdaan ni Sir Menggie.

Bahagi si Sir Menggie ng pelikulang Suarez: The Healing Priest ni Direk Joven Tan.

Maaring ito ang isa sa pinakahuling pelikulang nagawa ng beteranong aktor.

Nakakalungkot, at nakakatakot na talaga.

Pero ang tanging panangga natin dito ay ang patuloy na pagdarasal.

Sabi nga ng karamihan, “Don’t live in fear, live in faith with God.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran theater/film/television actor Menggie Cobarrubias passed away Thursday morning, March 26, at the age of 66.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results