Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Senator Koko Pimentel, pinagre-resign ng publiko kahit nag-sorry pa

by PEP Troika
Mar 26, 2020
Makati Medical Center: “We hereby take note of the apology of Senator Pimentel for such breach and we are pleased that the Department of Health Secretary Francisco T. Duque III has concurred that, indeed, breach was committed."
PHOTO/S: Courtesy: Senator Koko Pimentel on Facebook

JERRY OLEA

Nagpasalamat ang Makati Medical Center (MMC) sa suporta ng publiko sa kanilang pagtuligsa kay Senador Koko Pimente sa paglabag nito sa kanilang mahigpit na protocols sa infection at containment.

In-acknowledge ng MMC ang paghingi ng paumanhin ni Senator Koko, at ikinatuwa nila ang pag-ayon ni DOH Secretary Duque na naganap talaga ang paglabag.

“Where The Focus Really Matters” ang titulo ng official statement ng MMC na in-upload sa kanilang Facebook page nitong Marso 26, Huwebes ng 6:20 p.m.

Pirmado iyon ni Dr. Saturnino Javier, Medical Director ng MMC.

Ang nilalaman ng kanilang pahayag:

“Colleagues,

“We profusely thank the general public for the outpouring of support to Makati Medical Center and its community of healthcare professionals in its denouncement of the breach of our strict infection and containment protocols by Senator Aquilino Martin D. Pimentel III.

“We gratefully acknowledge the support of two (2) major medical umbrella organizations in the Philippines — the Philippine Medical Association and the Philippine College of Physicians.

Continue reading below ↓

“We hereby take note of the apology of Senator Pimentel for such breach and we are pleased that the Department of Health Secretary Francisco T. Duque III has concurred that, indeed, breach was committed.

“Let us move forward and I urge the MMC community to focus our energies, skills and passion once again toward conquering the virulent pathogen confronting us — Covid-19.

"I hope that in our magnanimity, we will all be rewarded with more blessings as we face the real enemy.

“Thank you very much.”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

May nahuli sa Sta. Ana, Manila, na hindi naka-face mask habang nagliliwaliw sa siyudad.

Ang tanong ng nahuli: “Bakit ako, hinuhuli niyo, pero si Senator Koko, hindi?”

Naging tampulan man ng meme at bashing si Senador Koko, marami pa rin siyang dapat ipaliwanag sa tao.

Kahapon, March 25, sorry ang hinihintay ng mga tao mula sa Senador.

Pero mainit pa ang ulo ng mambabatas at mataas pa ang emosyon, kaya may pride pang kasama. Nagalit ang mga tao.

Ngayon, nagbago na ng tono. Nag-sorry na siya.

Pero iba na ang hiling ng tao—resignation na.

Pero hindi lang basta resignation, ha?

Bayaran at i-compensate ang mga na-endanger na buhay ng health care workers at yung mga na-quarantine dahil sa ginawa niya. Tapos, mag-resign.

Sa tingin ninyo, kung buhay pa ang respetadong Senador Nene Pimentel, paano ito magre-react sa nangyari sa anak niyang si Senador Koko?

GORGY RULA

Maging mahinahon na muna tayo sa ngayon.

Continue reading below ↓

Pero pagkatapos nitong lahat at malagpasan na natin itong COVID-19, sana ay panagutan ito ni Senator Koko sa taumbayan, lalo na sa ating health workers na maaring nahawa niya sa Makati Medical Center.

Kung makakalimutan na ito, sana at maalala ninyo sa susunod na eleksyon.

Sa ngayon ay hangad ko na lang ang safe na panganganak ng kanyang asawa, at hindi sana maapektuhan ang kanilang magiging anak.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makati Medical Center: “We hereby take note of the apology of Senator Pimentel for such breach and we are pleased that the Department of Health Secretary Francisco T. Duque III has concurred that, indeed, breach was committed."
PHOTO/S: Courtesy: Senator Koko Pimentel on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results