Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Rocco Nacino, nagpa-breakfast sa mga nagbabantay sa liblib na checkpoints

by PEP Troika
Mar 26, 2020
"Sabi ko sa sarili ko, 'Oo nga, birthday ko, dapat nagsi-celebrate ako.' Pero... Sabi ko, 'Parang hindi kaya ng kunsensya ko. Gusto kong mag-ikot sa checkpoints at mamigay ng regalo,'" kuwento ni Rocco Nacino sa isinagawa niyang relief op noong March 21.

GORGY RULA

Naudlot ang paglipat ni Rocco Nacino sa bagong bahay na ipinatayo niya sa Antipolo dahil sa pinairal na enhanced community quarantine.

Matagal nang ipina-schedule ng Kapuso actor ang dapat sana'y lipat-bahay sa kanyang kaarawan sa Marso 21.

Pero dahil natigil ang lahat na trabaho gawa ng COVID-19, hindi ito natuloy.

"Naudlot po ang paglipat ko, e," pakli ni Rocco nang ma-phone patch namin sa aming radio program sa DZRH nitong Marso 25, Miyerkules ng gabi.

"Hindi talaga kaya, e. Pati mga trabahador sa bahay ko, pinauwi ko na muna. Para lang safe.

"Ganunpaman, ganun talaga ang buhay. Kaya konting tiis lang muna talaga."

Noong March 21, ipinagdiwang ni Rocco ang kanyang 33rd birthday sa pamamagitan nang pag-ikut-ikot sa ilang checkpoints para magbigay ng pa-breakfast sa frontliners na nakabantay doon.

Bilang isang reservist sa Philippine Navy, suot niya ang kanyang uniform.

Continue reading below ↓

Ikinatuwa ng mga military na nakasalamuha niya ang kanyang pa-birthday treat.

Kuwento pa ng Kapuso actor: "Biglaan lang iyun. Buti na lang at napakabait ng Philippine Navy at ang aking grupo na nag-organize sa ganitong gawain.

"Sabi ko sa sarili ko, 'Oo nga, birthday ko, dapat nagsi-celebrate ako.'

"Pero hindi ko po talaga makuha na mag-celebrate na mag-isa na kasama ang pamilya mo na kumakain, nagtatawanan.

"Sabi ko, 'Parang hindi kaya ng kunsensya ko. Gusto kong mag-ikot sa checkpoints at mamigay ng regalo.'

"Hindi iyung mga main road na checkpoints, ha? Eto yung mga checkpoints na mga liblib, yung hindi naabot ng mga relief goods."

Siya nga pala, nangako si Rocco na sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) niya unang ipapa-tour ang bagong bahay niya.

NOEL FERRER

Nag-promise nga si Rocco sa atin na papatuluyin niya tayo sa kanyang pinagawang bahay.

Dugo, pawis, at sakripisyo ang ipinuhunan ni Rocco rito.

Basta, promise ni Rocco, tatapusin lang niya ang kanyang bahay, tapos he will get on doing the things he’s passionate about.

Continue reading below ↓

Nandito lang tayo na nakasuporta kay Rocco.

JERRY OLEA

Saludo tayo kay Rocco sa makabuluhang pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.

At di ba, ang Katolikong santo na si San Roque (St. Roch or St. Rocco) ay especially invoked against plagues?

Pero please... huwag ikonek sa Kapuso actor ang Rocco, ang 2016 documentary tungkol sa isang Italian porn star, na streaming sa Netflix!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi ko sa sarili ko, 'Oo nga, birthday ko, dapat nagsi-celebrate ako.' Pero... Sabi ko, 'Parang hindi kaya ng kunsensya ko. Gusto kong mag-ikot sa checkpoints at mamigay ng regalo,'" kuwento ni Rocco Nacino sa isinagawa niyang relief op noong March 21.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results