Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bong Revilla at Lani Mercado, hanggang flying kiss lang muna para sa wedding anniversary

by PEP Troika
Mar 27, 2020
Mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado, hindi pa makapagdiwang ng kanilang 34th wedding anniversary. Sinusunod ang social distancing kahit magkasama sa bahay.

GORGY RULA

Flying kiss at imaginary hugs na lang ang ginawa ng mag-asawang Senator Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado.

Nag-celebrate sila ng kanilang 34th wedding anniversary noong Marso 25, Miyerkules.

Ipinost nila sa Facebook ang palitan ng flying kiss, dahil hindi pa sila puwedeng maglapit.

Katatapos lang ni Bong sa kanyang 14-day self-quarantine.

Pero si Lani naman ay nasa panlimang araw pa lamang ng self-quarantine dahil na-expose din siya sa isang COVID-19 positive.

Continue reading below ↓

Sabi ni Bong, gusto sana niyang bilhan ng regalo ang asawa, pero wala naman siyang mabibilhan.

Kahit bulaklak nga ay hindi raw niya ma-order.

Kaya itong COVID-19 daw ang isa sa challenges ng kanilang pagsasama.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin daw ni Bong ang resulta ng COVID-19 test niya.

Pero tingin ni Bong ay negative iyon. Hanggang ngayon, na lagpas na siya sa kanyang 14-day self quarantine, wala raw siyang nararamdamng sintomas ng virus.

Pero nakakatakot na raw itong COVID-19 na ang dami nang naaapektuhan.

Kaya dapat daw na sumunod tayo sa pinapairal na mga protocol kaugnay ng enhanced community quarantine.

JERRY OLEA

Nakaka-good vibes na pinapairal nina Senator Bong at Mayor Lani ang social distancing.

Tiis-tiis muna hahit matagal-tagal na silang hindi nagkakayakapan dahil nag-overlap ang kani-kanya nilang voluntary quarantine.

"You’re so near yet so far, malayo man tayo sa isa't isa Mama, andito ka naman sa aking puso palagi,” post ni Bong sa Facebook, bandang 1:24 a.m. ng March 26.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Social Distancing man, our love will never know any distance. Salamat sa iyong walang katumbas na pagmamahal.

"Mahal na mahal kita. Happy anniversary, Mama!!! I love you so much!!!"

Hindi rin nilapitan ni Bong ang kanyang ama, na si dating Senator Ramon Revilla Sr.

Base ito sa isa pang Facebook post ng senador bandang 10:25 p.m.

"Ka-Facetime ko si Daddy ngayon, at nais niyang ipaabot sa inyong lahat ang kanyang panalangin at paalala na pangalagaan natin ang ating mga sarili at sumunod sa kinauukulan para rin sa ating kaligtasan.

"Siya po ay kasalukuyang naka-self-quarantine dahil na rin sa kanyang edad.

"Ipanalangin po natin ang kaligtasan ng isa't isa!"


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sakripisyo talaga ang hindi mabisita at mayakap ang mga mahal natin sa buhay sa mga oras na dapat nandoon tayo para sa kanila.

Kaya short-term sacrifice for a long-term gain talaga itong quarantine.

Aside from celebrity couples na nag-anniversary—like Bong and Lani, Tonton Gutierrez and Glydel Mercado, Boyet de Leon and Sandy Andolong—marami pang iba ang hindi makapagdiwang ng espesyal na okasyon.

Pati yung mga may birthday at ikakasal, naantala ang mga plano.

Magiging iba na ang kaayusan ng mundo. It’s a matter of thinking of things beyond us, for the good of the collective.

GORGY RULA

Ang bunsong kapatid ni Senator Bong na si Antipolo Mayor Andrea "Andeng" B. Ynares ay may update rin sa Facebook.

Inamin ni Andrea na ang mother-in-law niyang si Rizal Governor Nini Ynares ay positibo sa COVID-19.

Bahagi ng pahayag ni Mayor Andeng: "Kagaya ng ating naibahaging anunsyo kagabi, hinihiling po natin ang panalangin para sa ating mahal na Governor Nini na nag-positibo sa COVID-19 bunga ng patuloy niyang pag-ikot at pagtulong sa mga bayan ng Rizal sa kabila ng paglaganap ng virus na ito."

Continue reading below ↓

Nag-self quarantine din si Mayor Andeng dahil kasama siya sa "rumesponde sa kalagayang-pangkalusugan ng ating minamahal na Gov. Nini."

Sa bahay na lang muna siya nagtatrabaho para ma-monitor ang pamimigay ng food assistance sa mga taga-Antipolo.

Dagdag ni Mayor Andeng: "Gustuhin ko man pong ipagpatuloy ang aking pag-iikot, minabuti kong sumunod sa utos ng DOH na manatili muna sa bahay bilang preventive measure at sa bahay na lamang magtrabaho at siguraduhin na ang mga kaganapan sa ating Lungsod ay ayon sa inaasahan sa atin ng ating mga mamamayan ng Antipolo gamit ang telepono, social media, atbp.

"Gusto ko rin pong masiguro na hindi ako magiging carrier ng Coronavirus at makahawa sa mahal nating mga kababayan."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado, hindi pa makapagdiwang ng kanilang 34th wedding anniversary. Sinusunod ang social distancing kahit magkasama sa bahay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results