NOEL FERRER
Isang magandang balita: Negative sa COVID-19 si Sandy Andolong!
Ito ang mensaheng ipinadala sa amin ng mister niyang si Christopher de Leon kagabi, March 27:
“The test of Sandy came today & she is negative of this coronavirus!
"Praise be to our Lord God!
"Thank you very much Noel. The Lord GOD be glorified!
"From Papa Bo de Leon"
Nakauwi na si Papa Boyet sa kanilang bahay, pero magso-social distancing pa rin sila ni Sandy.
Magandang regalo ito for their 40th wedding anniversary.
In my Level Up Inquirer program this Saturday at 3 p.m., we shall honor this formidable couple on their 40th anniversary!
We love you, Boyet & Sandy!!!
JERRY OLEA
Good news ito para sa co-stars ni Sandy Andolong sa Kapuso series na The First Yaya.
Ikatutuwa ito nina Marian Rivera, Gabby Concepcion, Cassy Legaspi, Baeby Baste, Glenda Garcia, Pancho Magno, Kelvin Miranda, Princess Aguilar, at Pilar PIlapil.
Makabuluhang Anibersaryo, Boyet & Sandy!
GORGY RULA
Naalarma ang mga taga-GMA-7 nang pumutok ang balitang nag-positive si Christopher de Leon sa COVID-19.
Natakot sila para kay Sandy, na nakapag-taping na ng isang araw sa The First Yaya.
Pero ilang beses kong nakausap si Sandy, punung-puno siya ng pag-asa na magne-negative siya sa COVID-19 test.
Naniniwala naman ako sa kanya dahil mas alam niya yun bilang siya ang may katawan, at mararamdaman niya kung may symptoms siya o wala.
Kaya sabi ni Sandy, tuwing magdarasal ay paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang ibinibigay sa kanila.
“I always ask for mercy from God. Kung ano man ang pagkukulang ko, mga kasalanan ko, then at the same time, pray to Him and thanksgiving for all His blessings.
“Whatever situation you’re in. Iyon lang ang ano ko lagi, is always be thankful,” saad ni Sandy nang nakausap ko siya noon sa radio program ko sa DZRH.
Kaya siguro, walang dapat ipangamba ang mga katrabaho ni Sandy sa The First Yaya, di ba?
