PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iza Calzado, positive sa COVID-19

Iza Calzado, kinumpirmang tinamaan siya ng COVID-19 bukod sa unang sakit na pneumonia.
by PEP Troika
Published Mar 28, 2020
Iza Calzado, kinumpirmang tinamaan siya ng COVID-19. Una nang na-confine sa ospital ang Kapamilya actress dahil sa sakit na pneumonia. Aniya, "The worst part of my pneumonia is over and I am feeling better everyday."
PHOTO/S: @missizacalzado Instagram

NOEL FERRER

Ibayong dasal ang hinihiling namin mula sa mga kaibigan, pamilya, tagasuporta, at nagmamahal sa aking talent na si Iza Calzado.

She finally got the results ng kanyang COVID-19 test—and she tested positive.

She is recovering well as she was aggressively treated for pneumonia and the virus. She can actually breath now without any oxygen assistance.

She will be tested again to see if she is already negative. Her husband Ben and others who interacted with her have not shown any symptoms.

She doesn’t know where she contracted the virus from, but it’s best for all of us to take seriously the advice of doctors and health authorities on proper hygiene, physical distancing, quarantine and social responsibility.

Thank you to the frontliners who continue to risk their lives to attend to our kababayans like Iza.

Let us continue to pray for the healing of Iza and our brothers and sisters who are most affected by this pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam ninyo ito, Tito Gorgy at Tito Jerry, we have conditioned her mind to think and act as if she has it na because that’s the best way of battling it.

And whatever the results, she is determined to conquer it.

Para rin hindi na ma-break ang spirit, kung mag-positive man.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

We hope for the best, and with the overwhelming prayers of people, we are praying that Iza will overcome the worst with our collective prayers!!!

#PrayingForIza #LabanIza

GORGY RULA

May mga kumalat nang kuwento kung saan posibleng nakuha ito ni Iza.

Sana, malinawan ito sa ilang napuntahan at napagtrabahuan niya.

Gaya ng taping niya sa soap na Ang Sa Iyo Ay Akin. Posible kayang nahawa siya sa isang katrabaho roon na madalas kasa-kasama ang kaibigan nitong nag-abroad?

Isa iyan sa mga kumakalat na kuwento.

Dapat klaruhin at i-trace kung saan posibleng nakuha ng Kapamilya actress para maagapan kung sino pa ang posibleng na-expose sa virus.

Ang hirap kasi dahil posibleng ang iba sa mga nakasalamuha o nakatrabaho niya ay maaring hindi pa na-test.

Kaya mabuti na ring naka-quarantine na lahat ng mga residente para hindi maiwasang kumalat pang lalo ang COVID-19.

Patuloy lang nating ipagdasal si Iza. At sana, okay rin ang lagay ng asawa niyang si Ben na nagbabantay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo kayang hindi na muna pinapapasok ang mister ni Iza na si Ben Wintle sa condominium na tinitirhan nila, kaya hindi na ito umaalis ng hospital?

JERRY OLEA

Matapos aminin ni Christopher de Leon noong Marso 17 na positibo siya sa COVID-19, inatasan ng ABS-CBN ang mga katrabaho nito sa teleseryeng Love Thy Woman na mag-quarantine.

Nag-alala rin siyempre ang mga katrabaho ni Sandy Andolong na na-expose sa asawang si Christopher.

Si Sandy ay mapapanood sa Kapuso series na The First Yaya.

Buti na lang, negative sa coronavirus si Sandy.

Ngayong nakumpirma na positibo si Iza sa COVID-19, nawa’y maayos ang lagay ng mga katrabaho niya sa Kapamilya series na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Kabilang sa co-stars ni Iza sina Sam Milby, Jodi Sta. Maria, Maricel Soriano, Albie Casiño, at Lito Pimentel.

Patuloy tayong dumadalangin para sa kaligtasan ni Iza. Nawa’y malagpasan niya ang pagsubok na ito!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado, kinumpirmang tinamaan siya ng COVID-19. Una nang na-confine sa ospital ang Kapamilya actress dahil sa sakit na pneumonia. Aniya, "The worst part of my pneumonia is over and I am feeling better everyday."
PHOTO/S: @missizacalzado Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results