PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janine Gutierrez at Bianca Gonzalez, may say sa "report" ni Pangulong Duterte

Janine Gutierre: "Wala naman yatang nasagot sa mga tanong ng bayan."
by PEP Troika
Published Mar 31, 2020
Kabilang sina Janine Gutierrez (kaliwa) at Bianca Gonzalez (kanan) sa nag-abang sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte (gitna) kagabi, March 30. Ano naman ang masasabi nila sa "report" ng Pangulo tungkol sa COVID-19 crisis sa bansa?
PHOTO/S: Instagram / Twitter

JERRY OLEA

Matapos ang televised report o talumpati ni Pangulong Duterte nitong Marso 30, Lunes ng maghahating-gabi, nag-tweet agad si Janine Gutierrez.

Sabi ng Kapuso actress: “Hay. Nakakalungkot. Kung essay yun sa exam, hindi papasa. Wala naman yatang nasagot sa mga tanong ng bayan.

“I appreciate the visibility but that means nothing without transparency.

"Anong plano? Hindi naman pwedeng tiwala lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-second the motion si Bianca Gonzalez sa tweet nitong Martes ng umaga.

Aniya: "March 31: Petition for government to release an official detailed update on the progress and projects of the P250B++ funds 2 to 3 times a week.

“Kahit listahan po na official. Para lang po alam ng mga taong nangangailangan ang tulong na dumating at dadating. Please po.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Tinanong ko ang mga kaibigan natin sa gobyerno on what took long bago humarap ang Presidente sa mga tao kagabi.

Alas-kuwatro ng hapon ang ina-announce na oras ng simula ng talumpati ng Presidente, pero maghahatinggabi na siya napanood sa ere.

Ang sagot sa akin ng kaibigan ko sa gobyernong naka-quarantine: “Hi my dear! Shocks we don’t know also.

"please keep praying for [pangalan ng kaibigan naming govt official].”

Pareho pa rin ang tanong ko: Paano kaya tayo makakaasa at mapapanatag na OK ang lahat, kung ang simpleng pakikipag-usap sa taong pinagsisilbihan mo—na dapat 4 p.m.—ay naganap bago maghatinggabi at nakatulog na ang karamihan ng nag-aabang?

Kahit sa mga showbiz presscon, kapag tumatagal ang artista, nagwo-walk out na ang madla.

Grabe talaga tayong matiiisin na mga Pilipino!

Hayyyy, hanggang kailan kaya ito?

GORGY RULA

Noong kapuputok pa lang ng coronavirus sa China, pinag-uusapan nang huwag sana tayong atakehin nitong nakakatakot na virus dahil tiyak na mahirap i-handle ito ng ating gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa riyan, mahirap sugpuin ito at i-handle sa isang third world country gaya ng Pilipinas.

Ang lamang ng mga Pilipino, malakas ang pananalig natin sa Diyos.

Ilang beses na nating napatunayan ‘yan na lahat ay kinakaya dahil sa dasal. Iyon ang panlaban nating lahat.

Naiintindihan ko ang puna ni Bianca. Pero hindi pa tapos ito.

Asahan nating ilalatag lahat iyan ng ating Pangulo.

Sinasabi naman ni Pangulo na hindi niya sasantuhin ang kung sinumang mangungurakot o magnanakaw pa rito.

Kaya maging masigasig lang tayo. Ilabas natin sa social media ang kung anumang nakita nating katiwalian hanggang sa makarating sa Pangulo.

Ako, nandiyan pa rin ang pagtitiwala ko sa ating Pangulo na kaya niyang i-handle ito.

Bukas lang sana ang mga mata niya sa lahat na ginagawa ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Tama ba ang lahat na ginagawa at desisyon ni DOH Secretary Francisco Duque?

Puwede bang tuluyan nang i-quarantine si Mocha Uson?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siguro, aware naman diyan ang ating Pangulo.

Pero mas mananaig pa rin ang ating pananalig at pagdakila sa Diyos.

Kaya kailangan pa ring kumapit tayo sa Kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Janine Gutierrez (kaliwa) at Bianca Gonzalez (kanan) sa nag-abang sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte (gitna) kagabi, March 30. Ano naman ang masasabi nila sa "report" ng Pangulo tungkol sa COVID-19 crisis sa bansa?
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results