JERRY OLEA
Pumanaw na ang TV and radio personality na si Leila Benitez-McCollum, 89, nitong Huwebes Santo (Manila time), April 9, sa New York City.
Base sa ulat ng CNN Philippines, dahil ito sa kumplikasyon sa COVID-19.
Ayon sa pamangkin ni Leila sa New Jersey na si Vivian Talambiras-Cruz, "She died peacefully at Mt. Sinai Hospital in Manhattan and didn't have to suffer like other COVID-19 patients.
"She was tested positive of the virus shortly after being moved to the hospital from a rehabilitation clinic."
Nakilala si Leila bilang "First Lady of Philippine Television" noong late '50s hanggang early '70s.
Sina Leila, Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, at Pepe Pimentel ang hosts ng radio show na CBN Canteen sa DZXL.

Leila Benitez with Student Canteen co-hosts Eddie Ilarde (left) and Pepe Pimentel (right)
Nag-hit ang programa sa mga estudyante kaya tinawag itong Student Canteen.
Taong 1958 nang ipalabas ang Student Canteen sa TV station na Chronicle Broadcasting Corporation, ang precursor ng ABS-CBN.
Ang Student Canteen ang unang afternoon variety show sa Philippine television.
Bukod sa Student Canteen, naging host din si Leila ng mga programang Darigold Jamboree at The Leila Benitez Celebrity Hour.
GORGY RULA
Napabuntung-hininga si Manay Lolit Solis nang nalaman niya ang pagpanaw ni Leila Benitez.
Pinakapaborito raw kasi niya dati sa Student Canteen si Leila, at nakakalungkot na COVID-19 pa ang sanhi ng pagpanaw nito.
Nakakapanghina ring araw-araw may frontliner na nalalagas, at wala talagang pinipili.
Nakikiramay po kami.
NOEL FERRER
Death is really a communal thing.
Ipinagtatanong natin ang kundisyon ng namatay at namatayan, kahit malayo man ang koneksiyon natin.
Ngunit dahil nasa isang pandemic tayo, mas matindi ang ating shared experience.
Iba! Nakakabagabag. Nakakatakot. Parang mali talaga.
Sana, naiwasan. Sana, hindi nangyari. Sana, hindi na lumaganap pa.
