GORGY RULA
Nagulat si Gladys Reyes na ang daming nag-like at nag-share sa videos ng kanyang dance exercise.
Mabuti na lang daw marami ang natuwa kahit hindi siya dancer.
Pahayag ni Gladys nang makausap namin nitong Abril 11, Sabado de Gloria, “Gusto ko lang naman i-share, Kuya Gorgs, ang dance-exercise video ko to show them na kahit hindi ka naman dancer, you can still do this, di ba?
“I made sure na easy yung steps at madaling sundan para sa mga mommies na gustong magpapawis during quarantine pero tamad mag-workout.
“Ito kasi, parang enjoy lang, chill lang and good vibes, di ba?”
Nakakapag-Zumba dance exercise si Gladys noon.
Pero nitong nagkasunud-sunod ang taping niya, abala pa siya sa kanilang Estela restaurant sa Cainta at ang Sommereux Catering, dagdag pa ang pag-asikaso sa mga anak na pumapasok, nakatamaran na raw niya ang exercise.
Pero ngayong mag-iisang buwan na tayong naka-ECQ, ibinalik niya ang regular exercise.
Nagulat lang siya na ang daming nag-react at natuwa nang ipinost niya ito sa social media.
Sabi niya, “Pang-encourage ko na rin po sa mga moms like me na di mahilig mag-workout.
"Baka itong dance exercise, para na rin sa kanila at pampalakas na rin ng lungs, di ba?”
Sana raw, siya mismo ay matuluy-tuloy ito kahit tapos na ang COVID-19 pandemic.
NOEL FERRER
Naaliw ako sa ginawa ni Gladys na buong ningning na nagsayaw at nagpakita ng kanyang famed na maputing kili-kili!
Ti-nag ko ang kaibigan at kumare niyang si Judy Ann Santos.
Sabi ko, hinihintay ko ang Ninja Dance Moves nila noong sila’y nasa That’s Entertainment pa.
Tingnan natin kung hahantong sa ganoong punto!
Iba talaga ang epekto ng quarantine na ito!
JERRY OLEA
Noong Lunes Santo ng umaga, April 6, picture lang na naka-dance outfit ang pinost ni Gladys.
“Kailangan gumalaw-galaw kahit tinatamad para mga kinain ay matunaw. Isayaw mo na lang para kahit pano pagpawisan,” aniya.
Miyerkules Santo ng tanghali, April 8, may pa-video na si Gladys at nilinaw na hindi iyon TikTok.
Naka-1.3K views!
“Just a simple dance exercise, para sa mga tulad ko na tamad mag-workout pero kailangan magpapawis, isayaw na lang kahit di tayo dancer. Para ganahan, mag-outfit na rin pang-workout...”
Huwebes Santo ng hapon, April 9, pinost ni Gladys ang dalawang litrato niya sa warm up and cool down before and after ng dance exercise.
“Mommies, do whatever works for you, whether intense workout, dancing or doing household chores as long as you feel good and healthy inside and out, because our family needs us most specially our kids.”
Nitong Glorious Saturday ng umaga, April 11, pinost ni Gladys ang topless pictures ng asawang si Christopher Roxas habang nagba-barbell.
May pa-hashtag pa siyang #healthyisthenewsexy.
Kapagkuwan ay may pa-'90s medley dance exercise si Gladys at ang kanyang hanash:
“Para sa mga batang 90's tulad ko. Let's go! Kayang-kaya natin 'to mga mommies. Kahit di dancer, ok lang basta gumagalaw and we feel good. Magsuot na rin ng corsette kung meron ka para mas pagpawisan.”
