PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sikat na aktres, nahuli sa Edsa walang quarantine pass

Aktres na pasaway sa Edsa, nahuli
by PEP Troika
Published Apr 16, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Isang sikat at kontrobersiyal na aktres ang nahuli ng mga pulis na lumalabag sa quarantine protocol ng EDSA nitong Miyerkules ng tanghali, Abril 15.

Nasagap ng PEP Troika ang impormasyong ito mula sa isang reliable source.

Marami ngang nakapansin na ang daming mga sasakyan sa EDSA.

Tamang-tama namang nagbabantay ang mga kapulisan, kaya ang dami nilang nahuli.

Isa raw sa mga nahuli itong si Aktres.

Ayon sa aming source, sandaling na-hold si Aktres dahil wala pa itong quarantine pass. Pinauwi na lamang siya.

Tinawagan ko ang legal counsel ni Aktres para alamin sana kung ano ang ginawa at kung saan ba pupunta ang aktres.

Pero hindi pa niya sinasagot ang aking tawag at text.

JERRY OLEA

Dora the Explorer ang peg ng kilala at kontrobersiyal na aktres?

Aware siya at sumusunod sa ilang alituntunin ng enhanced community quarantine, kagaya ng social distancing at pag-face mask sa public places.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siguro naman, natutunan na niya ang katuturan ng quarantine pass.

NOEL FERRER

Naku, sa nakaka-miss sa kontrobersiyal na aktres, ayaw naman natin siguro siyang makita sa kulungan.

Sayang, premyado pa naman siya.

Sana ay magsilbi na lang siyang magandang halimbawa at hindi pasaway.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results