Angelika dela Cruz: "Makulit pala ang Pinoy. Matitigas ang ulo."

by PEP Troika
Apr 18, 2020
Bilang barangay captain ng Longos sa Malabon, nakikita mismo ni Angelika dela Cruz ang katigasan ng ulo ng ilang tao sa pagsunod sa regulations ng quarantine.
PHOTO/S: @angelikadelacruz on Instagram

GORGY RULA

Mahirap ang pinagdaanan ng isang barangay captain lalo na kapag merong mga taong pasaway sa lugar na nasasakupan.

Iyan ang hinaing ni Angelika dela Cruz na barangay captain ng Brgy. Longos sa Malabon.

Nasa blog ni Angelika ang lahat ng mga ginagawa ng aktres, kasama ang mga kagawad at staff niya, para ma-control ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang barangay.

Meron siyang binuong Team Office, Team Repack, Team Bigay, Team Disinfect, Team Health, Team Sita, at Team Curfew, kasama ang grupo ng Bantay Kapayapaan, para matugunan ang mga pangangailangan sa kanyang barangay.

Ang hinaing ni Angelika, marami pa rin ang lumalabag sa quarantine rules at dedma sa social distancing.

Saad ng aktres nang nakapanayam namin nitong April 17, Biyernes ng gabi, sa DZRH, “Sa totoo lang, hindi talaga handa ang government. Pero ang isang problema, ang tao.

"Kasi marami ang matigas ang ulo, maraming hindi sumusunod.

"Kaya ako, meron akong Team Sita ang tawag ko sa kanila. Sila iyung nag-iikot sa daytime, naninita ng mga tao, nanghuhuli ng mga lumalabag sa quarantine rules.

"'Tapos iyong Team Curfew, iyon naman iyong nanghuhuli sa gabi. Kaya ang mga tao ko talaga, walang tulugan.”

Naku-control na rin daw nila ngayon dahil hindi nagpapabaya ang mga tao niya sa pagbabantay sa kanilang barangay. Pero meron pa rin daw mga hindi sumusunod.

Kaya kapag may mga nahuhuli sila, kaagad nilang dinadala sa kanilang police headquarters at bahala na ang mga kapulisan kung ano ang parusang ipapataw sa kanila.

"Sa totoo lang, marami talagang mga taong hindi talaga nakikinig."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang realization niya:

"Makulit pala ang Pinoy. Matitigas talaga ang ulo. Minsan, gusto mong maiyak sa galit. Kasi pag sinita mo, sila pa ang galit."

At dahil sa social media, nakakarating ang mga reklamo sa kanya.

Sa pagpapatuloy ng Kapuso actress, “Kahit nga iyong pagbigay namin ng relief goods, e. Nabigyan mo na 'tapos magrereklamo pa sila sa Facebook na hindi sila nabigyan, ganyan-ganyan.

"Pero pag tiningnan mo iyong listahan mo, may picture, ayun siya, meron naman pala.

Ang pakiusap ng kapitana ay seryosohin at sundin ng mga tao ang "regulations ng Enhanced Community Quarantine."

Aniya, "Yung social distancing, sana sumunod po tayo para matapos na po iyong paghihirap natin. Kasi, lahat naman tayo, hirap, e.

“Kaya sundin na lang po natin iyon. Kaya sa mga violators, utang na loob, parang awa niyo na.

"May panahon para mag-inuman at para ewan ko kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay nila.

"Pero baka hintayin na lang nila matapos, saka sila magluku-luko uli, kasi, hindi po ito ang panahon.

"Ito po iyong panahon para magtulung-tulong tayong lahat,” pakiusap ni Angelika sa kanyang mga nasasakupan sa Barangay Longos, Malabon.

Ibinalita na rin niyang nagri-repack na sila ng relief goods para sa fourth wave na pamamahagi sa kanilang barangay.

JERRY OLEA

Kanya-kanya ng dilemma sa bawat barangay, and by extension, sa bawat bayan o lungsod, lalawigan, at rehiyon.

Kapuri-puri ang mga barangay captain na gaya ni Angelika, na masugid ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa quarantine, at lubos ang malasakit sa nasasakupan.

NOEL FERRER

Mahirap talaga ang maging leader lalo na kung may ganyang pasaway na meron namang lagi.

Palagi kong tinatanong, saan ba nagkukulang: sa mga tao ba sa ibaba o sa mga leader sa itaas?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakakaawa ang sitwasyon ni Angelika, pero ginusto niyang maging lingkod bayan, kaya kailangan niyang pangatawanan at gawin ang best niya, anuman ang balakid.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang barangay captain ng Longos sa Malabon, nakikita mismo ni Angelika dela Cruz ang katigasan ng ulo ng ilang tao sa pagsunod sa regulations ng quarantine.
PHOTO/S: @angelikadelacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results